malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang pagkakaiba ng My Number ID sa My Number Notification Card?

Nov. 24, 2015 (Tue), 1,041 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang pagkakaroon ng My Number ay isang system na pina-iiral ng Japanese government, kaya lahat ng tao dito sa Japan na meron registered address sa kanilang local municipality ay magkakaoon nito kahit na hindi nila gustohin.


Sa pagbigay sa inyo ng My Number information, ang freedom nyo lamang ay kung Notification Card lang or My Number ID Card mismo ang gagamitin ninyo. Nasa sa inyo or freedom po ninyong mamili kung ayaw ninyong mag-apply ng My Number ID Card. Subalit meron mga advantages at disadvantages ang mga ito. Alamin ang pagkakaiba nito sa information below.

Notification Card
Ang Notification Card na pinadala sa inyo ng local municipality ninyo ay naglalaman lamang ng inyong Name, Address, Birthday, Gender at ang inyong 12 DIGIT na My Number. Wala itong picture ninyo kung kayat hindi nyo ito magagamit bilang isang ID or Identification Card. Kinkailangan ninyo ng picture dito tulad ng hawak ninyong RC (Residence Card) upang maging valid itong isang ID.

My Number ID Card
Ang ID Card na ito ay naglalaman din ng inyong Name, Address, Birthday, Gender at ang inyong 12 DIGIT na My Number. Bukod dito, ilalagay din nila dito ang picture na inyong pinadala kung kayo ay mag-aapply nito kung kayat magiging valid na identification card ito. Bukod sa mga information na ito, meron din itong IC Chip na naglalaman ng ilang information na syang gagamitin for confirmation of your information. Dahil sa IC chip na ito, magagamit ninyo ang ID card na ito sa pag-apply ninyo ng e-Tax at ilang documents sa inyong local municipality.

Ang IC chip na ito ay hindi naglalaman ng inyong mga income tax, savings account at history ng inyong health condition kaya walang dahilan para malaman ang lahat lahat ng information ninyo sa pag-gamit lang ng ID card na ito.

Sana ay naging malinaw na sa inyo ang pagkakaiba ng Notification Card at ang actual na My Number ID Card na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.