malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Offices where to apply documents related sa atin dito sa Japan

May. 10, 2017 (Wed), 1,293 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga baguhan at sa mga hindi pa kabisado kung saan ninyo pwedeng apply ang mga documents na common nating ginagamit dito sa Japan, this is for you. I want to share here kung saan o anong sangay ng government offices ninyo makukuha ang mga documents na related at kinakailangan natin dito sa Japan. Here it is.


(1) VISA & CERTIFICATE OF ELIGIBILITY (COE)
Ano mang type ng visa ang gusto ninyong apply pati na rin ang COE, ang lahat ng ito maging renewal, or extension man ay pwede nyo lang apply sa Immigration Office dito sa Japan. Maraming branch ng immigration dito at dapat na mag-apply kayo don sa office na syang merong jurisdiction sa lugar ninyo.

(2) RESIDENCE CARD (RC)
Ang RC na syang pumalit sa ALIEN REGISTRATION CARD ay kontrolado na now ng Immigration at hindi na City Hall. So para sa application nito, renewal man or re-application, pwede kayong mag-apply sa Immigration Office at hindi sa City Hall.

(3) PHILIPPINE PASSPORT
Kung gusto nyong mag-renew ng passport or mag-apply ng bagong passport para sa inyong anak, you can apply here in Japan sa Philippine Embassy Office sa Tokyo or sa Consulate General Office sa Osaka. Wala pong DFA Office dito, so yan lang ang lugar kung saan kayo pwedeng mag-apply. Also, be sure na mag-apply sa Office kung sino ang merong jurisdiction sa lugar ninyo.

(4) SPA, AFFIDAVITS, AUTHENTICATION (RED RIBBON)
Kung meron namang mga documents na need ninyong ipadala sa Pinas dahil kailangan ang inyong authority tulad ng mga documents na ito, makukuha nyo ito sa Philippine Embassy Office natin here in Japan. Ang mga documents na gawa dito sa Japan kung saan kayo nakatira ay dapat ding dito ipa-authenticate at hindi sa Pinas.

(5) JAPANESE CITIZENSHIP APPLICATION (JCA)
Ang application ng JCA ay hindi sa Immigration ginagawa kundi sa Ministry of Justice Office. Kung meron kayong balak na maging Japanese, apply kayo sa Ministry of Justice Office sa lugar ninyo kung saan kayo nakatira dito sa Japan. You must call them first para sa appointment bago kayo pumunta don.

(6) RESIDENCE CERTIFICATE & TAX CERTIFICATE
Ang mga documents naman na related sa ating mga activity here in Japan ay mostly na nakukuha sa City Hall kung saan tayo nakatira. Ang document tulad ng RESIDENCE CERTIFICATE (JUMINHYOU), INCOME TAX CERTIFICATE (NOUZEI SYOUMEISYO), FAMILY REGISTER (KOSEKI-TOHON) ay makukuha lamang sa City Hall kung saan kayo nakatira. Makakakuha lamang kayo nito kung kayo ay registered sa City Hall kung kayat importanteng magpa-regsiter kayo.

(7) HEALTH INSURANCE & NATIONAL PENSION
Kung kayo ay hindi employee sa isang company here in Japan at gusto ninyong magkaroon ng HEALTH INSURANCE at PENSION, maaari kayong mag-apply nito sa City Hall kung saan kayo naka-registered. Basically, kung kayo ay registered na sa city hall, they will inform you about it kung di kayo working sa isang company.

Ang mga nabanggit namin sa taas ay ilan lamang sa mga pinaka-common na documents na madalas nating kailanganin dito sa Japan. Kung meron pa kayong ibang documents na need ninyong malaman, maaari kayong magtanong sa amin dito or mag-send sa amin ng Private Message sa facebook.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.