How to do Birth Registration here in Japan (Pinoy Baby)? May. 06, 2018 (Sun), 1,919 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga Pinoy naman na mag-asawa dito sa Japan na nanganak, be sure din na maipa-register ninyo ang inyong bagong sila na baby. Need nyo rin magpasa ng birth registration sa city hall kung saan kayo nakatira at ang procedure ay halos pareho lang din ng mga Japanese.
May mga kababayan tayo dito na after na manganak ay walang ginawa, kung kayat walang naging identity at citizenship ang bata. Ang pagkawalang alam ay hindi na ngayon nagiging excuse para pagbigyan kayo sa lahat ng mga documents na dapat nyong asikasuhin in the future. So bilang parents, kailangang alamin nyo kung anong dapat na gawin lalo na at naninirahan tayo sa ibang bansa.
Ang birth registration ay ang pinaka importante na document na dapat ninyong gawin dahil ito ang pinaka-start para magkaroon ng information at identity ang inyong anak. Ang inyong ipapasa na birth registration sa city hall ang magiging pinaka original documents ninyo kaya be sure na wala kayong pagkakamali sa mga information na isusulat nyo dito.
Ang pangalan ng bata, pati magulang, at mga mahahalagang petsa ay tiyakin ninyong tama bago ninyo ipasa ang application form. Once na nagkamali kayo ng sulat dito, mahihirapan na kayong mag-correct nito.
Paalala lang din na ang pagpasa nyo ng birth registration ng inyong anak ay hindi nangangahulugan na sya ay isang Japanese citizenship na, kahit na dito kayo nanganak sa Japan. Ang Japan ay hindi pareho sa America kung saan ang citizenship ay binabase nila sa birth location. Dito sa Japan, binabase nila sa blood. So kung parehong Pinoy ang parents ng bata, it means wala syang Japanese blood line kung kayat hindi sya pwedeng maging Japanese citizen at the time na isilang sya.
Ang ipapasa nyong birth registration ng inyong anak ay mahalagang document din na kakailanganin nyo sa next application na dapat ninyong gawin at ito ay ang REPORT OF BIRTH sa Philippine Embassy, at Visa application sa Immigration. So be sure na magawa nyo ito within the time limit.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|