Panloloko sa mga Guarantor, madalas na issue ng mga Pinoy sa Japan Jan. 04, 2017 (Wed), 1,788 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is not a scam pero isa ring problem na madalas na maranasan ng mga kababayan natin here in Japan kung saan sila na ang tumulong at nagmagandang loob, pero sa huli ay sila ang maloloko at magdudusang magbayad sa isang financial problem na tinakasan ng taong tinulungan nila.
Ang common issue na natatanggap namin here mula sa mga kababayan nating humihingi ng advise ay kung paano nila hahabulin yong taong kanilang tinulungan kung saan sila ay tumayong GUARANTOR nito. Meron din sa kanila na ang asawa nilang Japanese ang tumayong guarantor kung kayat nagiging malaking problem ito dahil nasisira mismo sila don sa asawa nilang Japanese.
Karamihan sa mga naloko here ay ang mga tumayong guarantor sa pag-upa ng bahay, pag-kuha ng mga cellphone, pagkuha ng loan, maging pag-apply ng visa at marami pang iba.
Kung kayo ay titira dito sa Japan, be aware kung kayo ay tatayong GUARANTOR sa isang contract o anomang usapin na inyong papasukan. Don't take it as a very light issue dahil baka pagsisihan ninyo balang araw. Ang pagiging GUARANTOR here in Japan ay merong kasamang malaking RESPONSIBILITY na halos pareho ng responsibility don sa main person na syang pumapasok sa isang contract.
Ito ay tinatawag nilang RENTAI HOUSYOUNIN, meaning in case na hindi mapanagutan ng main person ang kanyang ginawa or pinasok na contract, ang guarantor nya ang syang tatayong responsible sa lahat ng ito. So, sa oras na tumakas ang taong tinulungan, automatically na yong guarantor ang hahabulin ng tao or company.
Be aware on this case. OK lang ang tumulong don sa alam nyo lang na kaya nyong gawin, pero kung ayaw ninyong pumasok sa mga gulo at gusot in the future, mas mainam na umiwas sa mga ganitong kaso. Kung maiiwasan, huwag ninyong ipapahiram ang inyong pangalan at hanko na isulat sa anomang contract or transaction ng mga kakilala ninyo at baka magaya kayo sa ilan nating kababayan na naloko at tinakbuhan matapos na matulungan nila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|