COE Application for Husband/Wife Invited by Japanese Partner Feb. 12, 2015 (Thu), 1,781 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung ang asawa ninyo ay Japanese at gusto nyong pumunta sa Japan para makasama ang inyong husband/wife na manirahan na sa Japan ng pangmatagalan, you need to apply for COE first in Japan immigration para makapag-apply ng Japanese Spouse/Husband Visa sa Pinas. Ito ang mga information na dapat ninyong malaman at mga documents na dapat ninyong ihanda.
To apply for COE para sa application ninyo ng Japanese Spouse Visa, ito ang mga sumusunod na documents na dapat ninyong ihanda. Make sure na ang Japanese husband/wife ninyo ay willing na papuntahin kayo here at handang mag-prepare ng mga kinakailangang documents para sa COE application ninyo. Actually madali lang ang application at mag-prepare ng mga documents kung willing talaga ang husband/wife ninyo. Ito ang mga documents na kinakilangan:
1. COE Application Form
Known in Japanese as 在留資格認定証明書交付申請書 (ZAIRYUU SHIKAKU NINTEI SYOUMEISYO KOUFU SHINSEISYO). You can get this document sa immigration office or you can download it from immigration homepage. Your Japanese husband/wife should fill-up this form and write all necessary information.
2. Pictures (1 Piece)
A picture of the applicant is needed na ilagay sa COE application form, so you need to send this to your husband/wife. Ang size is (4CM[Vertical] x 3CM[Horizontal]), 1 copy only pero mas better na send kayo ng 2 piraso. Write your name at the back of the picture, then idikit ito sa COE application form. Ang picture dapat ay walang suot na sumbrero, walang background at clear ang pagkakuha. Ito ay kinuha dapat within a 3 months period.
3. Family Registration (1 Copy)
Known in Japanese as 戸籍謄本 (KOSEKI TOUHON) is the family registration ng Japanese husband/wife ninyo. Makukuha nya ito sa city hall kung saan sya nakatira or naka-register. Kailangan na bago ito na nakuha nya within 3 months period. Sa document na ito dapat nakasulat na ang information ng marriage ninyo. Kasama ng document na ito, kinakailangan din submit nya ang Marriage Approval Certificate known in Japanese as 婚姻届出受理証明書 (KON-IN TODOKEDE JURI SYOUMEISYO) na patunay na inaprobahan ng city mayor ang inyong marriage application. Kapag ang inyong marriage info ay hindi pa nakasulat sa Koseki Touhon nya, kailangan nya munang apply ito para ma-register.
4. Marriage Certificate (1 Copy)
And document na ito ay magpapatunay na kayo ay kasal and approved by the Philippine government. You need to have a Japanese translation of it pag-ipapasa nyo ito sa immigration. Kung kukuha kayo ng copy nito sa NSO, better to get 3 copies na para hindi na kayo kukuha pa kapag kinailangan muli. You will need this document also sa visa application ninyo.
5. Residence Tax & Tax Payment Certificate (1 Copy)
This document ay dapat na ihanda ng inyong Japanese husband/wife at ito ay makukuha nya sa city hall kung san sya nakatira at naka-register sa Japan. Residence Tax known in Japanese as 住民税の課税(又は非課税) (JUUMINZEI NO KAZEI/HIKAZEI) na nabayaran nya for 1 year at ang Tax Payment Certificate known in Japanese as 納税証明書 (NOUZEI SYOUMEISYO) for a period of 1 year also ay makukuha nya parehas sa city hall. Sa document na ito makikita ang financial capability ng husband/wife ninyo. Kung hindi makakuha ng document na ito ang asawa ninyo dahil bago pa lamang sya sa lugar at work, pwede syang tumawag sa immigration para sa possible alternative ng document na ito.
6. Guarantee Letter (1 Copy)
Bilang asawa mo, ang Japanese husband/wife mo ang syang tatayong guarantor sa pagpunta mo here in Japan. So, this document need to sign by your partner. This is known in Japanese as 身元保証書 (MIMOTO HOSYOUSYO). Your partner need to fill-up this form and put a seal/signature on it.
7. Residential Certificate (1 Copy)
Known in Japanese as 世帯全員の記載のある住民票 (SETAI ZEN-IN NO KISAI NO ARU JUUMINHYOU), this document show the residential information ng Japanese husband/wife ninyo. Kailangan nakasulat ang buong information pati na rin ang mga names ng taong kasama nya sa bahay at the time na nag-apply sya nito. Kailangang bagong kuha within 3 months period.
8. Questionnaire (1 Copy)
Known in Japanese as 質問書 (SHITSUMONSYO). This is a list of questionnaire about your marriage na dapat sagutin ninyo. Isa ito sa mga document na pinagbabasehan nila kung ang kasal ninyo sa Japanese ay totoo ba or fake. Dati wala ang document na ito, subalit dahil sa dumaraming imitation marriage, they add this document.
9. Snap Pictures (2 or 3 Pieces)
Some snap pictures na magkasama kayong mag-asawa bilang patunay na kayo ay nagsasama talaga. Some pictures on your wedding, travel ninyong mag-asawa, dates, etc. na magkakaiba ang petsa is recommended.
10. Return Envelope (1 Piece)
Sobre na gagamitin ng immigration para ipadala sa inyo ang result ng COE application. Dapat na nakasulat na dito ang address ng Japanese partner ninyo na meron kasamang 392 YEN Stamp (切手, KITTE) na nakadikit na.
11. Others
Dito sa Japan, ang signature ay isinasagawa nila sa paggamit ng tinatawag na HANKO (Seal). Ang Japanese partner nyo should have it dahil may mga documents na dapat nyang lagyan ng sign tulad ng Guarantee Letter (MIMOTO HOSYOUSYO). Kung ang application ninyo ay ipapagawa nyo sa ibang tao or third party, kinakailangan nyong gumawa ng Authorization Letter na nagpapatunay na sila ang proxy ninyo sa pag-apply ng COE.
IMPORTANT REMINDERS:
1. Ang lahat ng mga documents na hindi nakasulat sa Japanese language ay dapat na ipa-translate into Japanese. Kasama ng original document, you should attached the translated Japanese version of it sa likod nito.
2. As a rule, all documents na pinasa ninyo sa immigration for your COE application ay hindi na ibabalik. Kung meron kayong document na ipapasa at need nyo pa ito at meron kahirapan na makakuha ulit kayo ng original copy, sabihin nyo ito agad sa immigration personnel at the time ng pagpasa ninyo ng mga documents.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|