Pagkakaiba ng LONG TERM VISA sa SHORT TERM VISA May. 16, 2017 (Tue), 2,423 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa mga medyo di pa po makaintindi kung ano ang ibig sabihin ng dalawang ito at kung ano ang pagkakaiba nila, ito po ay para sa inyo. Marami po kasing nagtatanong din dito na gusto nilang mag-apply ng LONG TERM VISA, pero kapag tinanong na kung anong type ng visa, hindi na makasagot, so mukhang hindi nila alam ang tungkol dito.
Dito sa Japan, siguro maging sa ibang bansa man, ang visa ay maaaring mahati sa dalawang category lamang kung ang pagbabasehan ay ang LENGTH OF STAY at ito ay ang tinatawag na SHORT TERM VISA at LONG TERM VISA.
At dito sa Japan, kapag ang PERIOD OF STAY ay below 3 MONTHS, tinatawag nila itong 短期滞在(TANKI TAIZAI) or SHORT TERM VISA at kapag more than 3 MONTHS, tinatawag naman nila itong 長期滞在(CHOUKI TAIZAI) or LONG TERM VISA in English.
Kapag SHORT TERM VISA, ito ang general term nila para sa mga short period visa tulad ng TOURIST VISA at FAMILY VISIT VISA dahil ang binibigay na period of stay dito ay 3 MONTHS ang pinaka maximum.
Kapag LONG TERM VISA naman, ito naman ang general term nila para sa mga long term period visa tulad ng WORKING VISA, STUDENT VISA, TRAINEE VISA, JAPANESE SPOUSE VISA, DESIGNATED VISA at kung ano-ano pa na mahaba ang period of stay here in Japan.
So kung gusto nyo mag-apply ng LONG TERM VISA, be specific kung ano ba talagang type ng visa ang gusto ninyo apply upang malaman din ninyo kung ano-ano ang mga kailangang documents na dapat ihanda para sa inyong visa application.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|