malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Immigration, start sending Notification sa mga Refugee under application

Feb. 03, 2018 (Sat), 1,582 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa pag-start ng bagong policy ng immigration tungkol sa pag-tanggap at pag-process ng mga refugee applicants here in Japan noong January 15, they are starting now a thorough implementation of it by sending a NOTIFICATION sa mga applicants nito na under processing pa.


Nakakatanggap na rin kami dito ng mga inquiries mula sa ilan nating kababayan na under refugee application tungkol sa mga notification na ito asking kung ano ang dapat nilang gawin. Ayon sa mga nagtatanong, ang laman ng notification is about the deportation sa mga refugee applicants kung hindi sila uuwi bago ang expiration na binigay sa kanilang validity to stay here in Japan.

As an advise, mas makakabuting sundin ninyo ang kanilang binigay na notification upang hindi kayo magkaroon ng bad records at manatiling maging madali sa inyo ang pagpunta sa Japan in the future na legal kung wala na talagang ibang paraan pa.

Sa mga nakakita naman talaga ng work at willing ang inyong employer or company to hire you as a regular employee, maybe you can apply for working visa. Kaya lang walang binibigay na WORKING VISA ang immigration para sa mga unskilled labor kaya hindi rin ganun kadali ito.

What you want to do next is your decision to make. Kung gusto nyong mag-overstay at mag-sugal, make sure na maging prepare sa mga risk na inyong haharapin once na mahuli kayo dahil hindi magiging madali para sa inyo ang makauwi kahit na gugustuhin nyo pa agad.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.