Paano maibabalik ang gastos kung sakaling sa Pinas kayo nanganak? May. 01, 2018 (Tue), 2,037 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan natin na buntis, its your choice kung saan nyo gustong manganak, kung dito sa Japan o sa Pinas. Kung worry kayo sa pag-aalaga at titingin sa inyo after ninyong manganak, ang pagsilang ninyo ng baby sa Pinas ay best option na magagawa ninyo.
Kung plano ninyong manganak sa Pinas, don't worry dahil makukuha nyo pa rin ang dapat nyong ma-avail na benefit sa inyong kenkou hoken (health insurance) na sinasalihan here in Japan lalo na ang benefit na 42 lapad sa SYUSSAN ICHIJIKIN. But, be aware na meron lang kayong rights na mag-apply nito kung kayo ay meron sinasalihang kenkou hoken. Kung wala, wag na rin kayo magtanong kung paano mag-apply dahil wala kayong rights.
In case na naging normal ang delivery ninyo sa hospital sa Pinas, tulad dito sa Japan, hindi ninyo magagamit ang inyong health insurance para mabawasan ang bill. So, wala kayong magagawa din kundi bayaran ito ng buong-buo.
In case naman na nagkaroon kayo ng operation sa inyong panganganak tulad ng caesarean section at iba pa, this is the only time na pwede ninyong magamit ang inyong health insurance kaya be sure na makuha nyo lahat ng resibo sa binayaran ninyong bill sa hospital para sa kailangang computation ng amount na babalik sa inyo. Same din sa normal delivery, need ninyong bayaran muna ito ng buo sa Pinas, then saka ninyo apply ng refund pagbalik ninyo sa Japan.
Pagbalik ninyo ng Japan, kung normal delivery lamang ang inyong panganganak, ang dapat nyong gawin ay apply kayo ng SYUSSAN ICHIJIKIN benefit na 42 lapad sa inyong health insurance. Kung ang gamit nyo ay KOKUMIN KENKOU HOKEN, sa city hall kayo pwede mag-inquire. Kung ang gamit nyo naman ay KOSEI KENKOU HOKEN sa company, sa company rin kayo pwede mag-apply nito.
Kung nagkaroon kayo ng operation sa inyong panganganak tulad ng caesarean, need nyo namang mag-apply ng refund sa binayad ninyong bill. Ang pwede ninyong makuha ay ang 70% ng total bill na binayad ninyo dahil ito ang cover lang mostly ng health insurance na sinasalihan ninyo. Ang pag-apply nito ay same lang din halos sa SYUSSAN ICHIJIKIN benefit.
Now para sa mga need na documents sa pag-apply nito, kailangang ang mga original receipt ng inyong binayaran sa hospital, medical certificate na nagpapatunay ng inyong panganganak, at Birth Certificate ng bata. Maaaring meron pang ibang document na kailangan so confirm nyo ito sa health insurance company mismo. Make sure na maipa-translate ninyo ito into Japanese bago ninyo maipasa sa health insurance company.
As a summary, kung kayo ay member ng health insurance dito sa Japan at kayo ay nanganak sa Pinas, pwede kayong mag apply ng SYUSSAN ICHIJIKIN benefit, at 70% refund naman ng inyong total bill kung meron mga operation na ginawa sa inyo sa Pinas.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|