Application of Report of Birth (ROB) for new born baby (Pinoy Only) May. 18, 2018 (Fri), 2,119 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
First of all, bago nyo gawin ang ROB, dapat na nakapagpasa na kayo ng BIRTH REGISTRATION sa city hall kung saan pinanganak ang inyong baby dito sa Japan dahil kakailanganin nyo ang document na ito sa pag-submit ng ROB sa Philippine Embassy.
Remember na kung parehong Pinoy ang parents ng bagong silang na baby, this is a must thing that you should do dahil hindi magkakaroon ng CITIZENSHIP ang inyong anak kung hindi nyo ito gagawin. Kung ang babay naman ay Japinoy at Japanese citizenship na, nasa decision na ng parents kung gusto nilang magpasa ng ROB sa Philippine Embassy o hindi na.
One thing also, ang pag-submit nyo ng ROB ay dapat na gawin within 30 DAYS after na ipanganak ninyo ang inyong baby. Magiging normal ang magiging processing nito, subalit kung lumagpas na ang 30 DAYS, magiging LATE REGISTRATION na ito at kakailanganin mo na ang AFFIDAVIT para sa pag-register ng inyong anak.
Ang mga requirements sa pagpasa ng ROB ay depende rin sa status ng parents ng bata. Kung ang parents ay legally na kasal, madali lamang itong gawin at kailangang lang ang Marriage Certificate ng parents, at parehong Birth Certificate nila. You can inquire to Philippine Embassy para sa detalye ng mga kailangang documents sa pagpasa ng ROB ng inyong anak.
Tandaan nyo rin na hindi magkakaroon ng Birth Registration record ang inyong anak sa NSO/PSA kung hindi kayo mag-submit ng ROB sa Philippine Embassy. Ang pag-submit nyo ng BIRTH REGISTRATION sa city hall ng inyong baby ay hindi automatic na papasok sa NSO/PSA database dahil walang connection ang dalawang government agency na ito. So ang pagsubmit nyo ng ROB ay napakahalagang bagay upang makakuha kayo ng record like Birth Certificate ng inyong anak kung kakailanganin ninyo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|