What is Japan National Pension (NENKIN) and its objective? Sep. 18, 2017 (Mon), 2,140 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Matapos na maitalakay natin dito sa MALAGO ang KENKOU HOKEN (HEALTH INSURANCE) at KOYOU HOKEN (UNEMPLOYMENT INSURANCE), pag-uusapan naman natin ang NENKIN na isa pang part ng SYAKAI HOKEN (SOCIAL INSURANCE) na ating binabayaran monthly at kadalasang binabawas sa ating mga salary kung kayo ay working dito sa Japan.
First, ano nga ba itong NENKIN or PENSION system dito sa Japan? Ang formal name for this ay 公的年金制度 KOUTEIKI NENKIN SEIDO (Public Pension System) na ang primary objective ay magtulungan ang bawat generation na naninirahan dito sa Japan. Meaning ang mga batang generation ay dapat tulungan ang old generation na mamuhay sa pamamagitan ng pagtanggap ng pension na galing sa contribution ng bawat mamamayan.
Its like a remittance ng mga batang generation para sa mga matatandang generation na syang magiging tulong sa kanilang pamumuhay. Its a system of daily life cooperation of a younger generation to the old generation.
Nakasaad sa batas na ang PENSION contribution na ito ay dapat na bayaran ng sinomang meron registered address dito sa Japan at ang age ay nasa 20 years old to 60 years old.
So para sa ating mga foreigner na naninirahan dito sa Japan na meron LONG TERM VISA, its our obligation na magbayad nito habang tayo ay naninirahan dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|