Visa application of your new born baby (Pinoy Kids) May. 21, 2018 (Mon), 2,440 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang isang batang isinilang ng mag-asawa or parents na parehong foreigner dito sa Japan ay hindi magiging Japanese citizen, meaning tulad ng parents na isang foreigner here in Japan, kinakailangang din na magkaroon ng visa ang inyong bagong panganak na baby upang legal syang makapag stay dito sa Japan.
Ang tawag sa visa application na ito ay 在留資格取得許可申請 (ZAIRYUU SHIKAKU SYUTOKU KYOKA SHINSEISYO) or APPLICATION FOR PERMISSION TO ACQUIRE STATUS OF RESIDENCE sa English. Ito ay dapat apply ng bagong silang na baby na anak ng parehong foreigner, or kahit na merong dugong Japanese ang baby subalit hindi nila piniling maging Japanese ito, kinakailangang mag-apply din ng visa ang bata.
Ang pag-apply ng visa ng inyong baby ay dapat gawin sa madaling panahon dahil ito ay limited lamang within 30 days after na ipanganak ang inyong anak. So after na ma-secure ninyo ang nationality ng inyong anak sa pamamagitan ng pag-submit ng REPORT OF BIRTH, dapat nyo na agad apply ng visa ang inyong anak kahit na hindi pa lumalabas ang passport na inyong kinuha para sa kanya.
Now, ang magiging visa ng isang baby ay depende sa visa na hawak ng kanyang parents. Kung ang visa ng nanay or tatay nito ay Permanent na, magiging Permanent Visa holder din agad ang bata. Kung ang visa ng parents ay Working Visa, ang visa ng bata ay magiging KAZOKU TAIZAI VISA (Family Stay Visa), at kung Residence Visa naman ang hawak ng parents, magiging Residence Visa din daw ang hawak na visa ng baby.
Ang pag-apply ng visa ng inyong anak ay ginagawa sa immigration office at dito kayo dapat pumunta sa pinakamalapit na branch office nila sa inyong lugar. Ang mga kailangang documents ay ang mga sumusunod:
- 在留資格取得許可申請書 Application Form
- 出生届受理証明書 (Birth Acceptance Certificate)
- 住民票 (Residence Certificate of all family members)
- 質問書 (Questionaire)
- 子供のパスポート原本 (Passport of the baby if already available)
- 両親(扶養者)のパスポートのコピー (Passport copy of the parents)
- 両親(扶養者)の在留カードのコピー (Residence Card copy of the parents)
- 両親(扶養者)の在職証明書(Working Certificate of the parents)
- 両親(扶養者)の住民税課税証明書、納税証明書 (Income Tax & Residence Tax of the parents)
- 身元保証書 (Guarantee Letter)
- Other supporting documents if needed
Pictures of your baby for visa application is not necessary. If the application is approved by the immigration, padadalhan kayo ng notice. Wala kayong babayarang processing fee dito at makukuha nyo ang visa ng baby ninyo ng walang sabit.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|