malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Kelan mag-uumpisa ang bayarin ninyo ng syakai hoken dito sa Japan?

Jan. 08, 2019 (Tue), 1,962 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Para sa ating mga foreigner na dumating dito sa Japan, ang start ng inyong bayarin sa syakai hoken ay mag-uumpisa at the time na ipinasok na ninyo ang inyong pangalan sa local municipality kung saan kayo nakatira dito sa Japan.


At para magawa ninyo ito, kinakailangan ninyo ang proper visa mula sa immigration. So, pagkakuha ninyo ng inyong RESIDENCE CARD (RC) mula sa immigration, ang next step ninyong dapat gawin ay magpa-register sa city hall upang magkaroon kayo ng RESIDENCE CERTIFICATE. This is the time na magkakaroon na rin kayo ng record sa city hall at makakakuha ng mga kakailanganin ninyong documents dito sa Japan at isa na nga dito ay ang JUUMINHYOU (RESIDENCE CERTIFICATE).

Sa pag-register ninyo ng residency ninyo sa city hall, need ninyong ipakita ang inyong RC. Dito titingnan nila kung anong type ng visa ang hawak ninyo. Kung nakalagay dito ay WORKING VISA, malaki ang possibility na hindi nila kayo padadalhan ng anomang billing tungkol sa nenkin at kenkou hoken dahil alam nilang meron manggagaling mula sa company or employer ninyo. Same din sa mga JAPANESE SPOUSE VISA holder dahil alam nilang cover na ng asawa ninyo ang magiging contribution ninyo.

Now kapag ang visa naman ninyo ay iba tulad ng mga TEIJUUSYA lamang, malaki ang possibility na papadalhan kayo ng magiging billing ninyo sa KOKUMIN NENKIN at KOKUMIN KENKOU HOKEN na contribution ninyo monthly. Dito kayo papasok automatic at hindi yong sa company na KOUSEI NENKIN at KOUSEI KENKOU HOKEN.

Sa mga minor age naman, mag-uumpisa ang kanilang contribution sa NENKIN at the time na umabot na sila ng 20 YEARS OLD. Kahit student pa sila at walang work, malaki ang possibility na papadalhan sila ng notice tungkol sa magiging contribution nila sa KOKUMIN NENKIN na nag-umpisa na.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.