Mga maling akala tungkol sa pagkuha ng Japanese Citizenship Sep. 19, 2017 (Tue), 3,204 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
It seems na marami sa ating mga kababayan ang hindi nakaka-alam kung ano ang mga condition para makakuha ng Japanese citizenship at maraming mga maling haka-haka na kanilang pinapaniwalaan.
Basically, meron lamang two ways para makakuha ng Japanese citizenship, ito ay ang by blood at pag-apply ng naturalization. Pag sinabing by blood, meaning ang batang isinilang ay anak ng isang Japanese, maging nanay man or tatay ito ang bata ay meron rights na maging Japanese. Then sa NATURALIZATION naman, this is the application that you can do para maging Japanese citizenship. You can apply it sa JAPAN MINISTY OF JUSTICE.
Now, ito naman po ang mga maling akala ng mga ilan nating kababayan na ang akala nila ay magiging Japanese citizenship na sila. We want to share it here para sa kaalaman ng iba.
(1) Marrying a Japanese
Hindi dahil sa kinasal kayo sa isang Japanese citizenship ay automatically na magiging Japanese citizenship na rin kayo. Isa pa rin kayong banyaga or Pinoy at need nyong mag-apply ng naturalization upang maging isang Japanese citizenship.
(2) Holding a Japanese Surname
Hindi dahil sa ang apelyido nyo ay nabago at naging YAMAMOTO, TANAKA or anomang Japanese surname ay automatic na rin na Japanese citizenship na kayo. Its not like that, you need also na mag-apply ng naturalization para maging Japanese citizenship kayo.
(3) Pagiging Japanese citizenship ng kapamilya
Kahit na naging Japanese citizenship na ang inyong nanay, parents or sinomang member ng inyong family, hindi ibig sabihin na ang lahat ng member ng family nya at kamag-anak sa Pinas ay magiging Japanese citizenship na rin. Hindi po ganun ang batas ng Japan.
(4) Pagiging Permanent Visa Holder
Hindi dahil sa nabigyan na kayo ng Permanent Residence (PR) Visa ng Immigration ay ibig sabihin na Japanese citizenship na rin kayo. Iba po ang PR application at pagiging Japanese citizenship application. Kahit na PR na kayo, ang citizenship ninyo ay hindi mababgo at ganun pa rin. Pinoy pa rin kayo. Kung gusto nyong maging Japanese, mag-apply kayo ng naturalization.
Ang mga ito ang madalas naming matanggap na katanungan dito sa MALAGO about sa pagkuha ng Japanese citizenship. Like we said, kung gusto nyong maging Japanese, you need to apply for NATURALIZATION sa MINISTRY OF JUSTICE.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|