Unpaid syakai hoken, anong mangyayari kapag lumipat ng tirahan? Jan. 15, 2019 (Tue), 5,416 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga meron bayarin pa sa syakai hoken(kokumin nenkin at kokumin kenkou hoken) at nagbabalak na lumipat or hikkoshi ng ibang city dito sa Japan, alam nyo ba kung anong mangyayari sa inyong unpaid syakai hoken sa lugar na inyong tinitirahan bago kayo lumipat? Mawawala na ba ang unpaid contribution ninyo o manantili pa rin ito?
Bilang kasagutan, ayon sa mga syakai hoken specialist, ang unpaid contribution ninyo ay hindi mawawala kapag lumipat kayo ng tirahan dito sa Japan at kailangang bayaran nyo rin ito.
Bilang step nila sa inyong unpaid contribution kapag lumipat kayo ng lugar or address, first step nilang gagawin ay papadalhan kayo ng notice about it. Then pag di ninyo ito pinansin, next nilang ipapadala sa inyo ay ang NOTICE OF SEIZURE. Then kapag di nyo pa rin ito pinansin at wala silang natanggap na anomang info mula sa inyo, the third step nilang gagawin ay PROPERTY INVESTIGATION na.
They will check now kung anong mga pag-aari meron kayo dito sa Japan. Kung meron kayong work, they will check kung anong company ito para makuha ang inyong salary. Kung meron kayong bank account, they will check it also para makuha sa bank account nyo automatically ang unpaid amount ninyo.
So bilang summary, lumipat man kayo ng tirahan sa ibang lugar or city, ang inyong unpaid contribution sa syakai hoken ay hindi mawawala at kayo ay papadalhan pa rin ng billing ng city na dati nyong tinirahan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|