NENKIN BENEFIT 2: Disability Pension Oct. 16, 2017 (Mon), 3,485 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng mga nabanggit na namin here about sa NENKIN (Pension) system here in Japan, hindi lamang for pension talaga ang makukuhang benefit mo kapag member ka at nagbabayad ng inyong monthly contribution sa NENKIN, at isa na dito ay ang DISABILITY BENEFIT na ito.
Known in Japanese as 障害年金 (SYOUGAI NENKIN) or DISABILITY PENSION sa English. Ang NENKIN system sa Japan ay meron three main benefit na binibigay. So kapag member ka nito, parang meron pension ka na, meron pang health insurance at meron life insurance. Sa health insurance ay pumapasok itong DISABILITY PENSION in case na nagkaroon ng disability ang isang member.
Ang sakop nito ay hindi lamang disability sa mata, tenga, kamay at mga paa na mainly ay sakit or disabilities sa external body parts, sakop din nito ang mga common na sakit tulad ng cancer, diabetes, heart failure, respiratory disease at marami pa na sumasakop sa mga internal na sakit ng katawan.
Ang amount ng DISABILITY PENSION na maaaring maibigay sa inyo ay depende sa naging contribution ng isang member, sinasalihan nyang type ng nenkin (Kokumin nenkin, Kousei Nenkin, Kyousai Nenkin), degree ng sakit or disability, number ng dependents (anak at asawa). Ito ang pagbabasehan ng nenkin office sa magiging benefit na ibibigay sa inyo.
In times na naging disable ang isang member ng nenkin system, ang benefit na ito ang syang makakatulong upang masuportahan ang pamumuhay ng isang na-disbale na member kasama na ang family nito na dependent sa kanya.
Para makakuha kayo ng benefit na ito, there is a need to apply for it dahil hindi nila automatic na ibibigay sa inyo ang anomang tulong ng wala kayong application na ginagawa. So you need to go to the nearest nenkin office na meron jurisdiction sa lugar ninyo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|