Working Agreement: Transportation Allowance Apr. 04, 2019 (Thu), 1,894 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Another thing na dapat nyong check sa inyong Working Agreement (WA) bago nyo ito pirmahan ay ang kanilang condition about sa Transportation Allowance na maaaring ibigay nila sa inyo. Sagot ba nila ito or hindi?
Mostly ang nakasulat sa WA na inyong matatanggap mapa-regular employee man kayo o hindi dito sa Japan ay full paid. Ang nakasulat sa 通勤手当 (TSUUKIN TEATE) item ay 全額支給 (ZENGAKU SHIKYUU) kalimitan, kaya lang hindi lahat ng company dito sa Japan ay nagbibigay nito.
Ang TSUUKIN TEATE (Transpo Allowance) na tinatawag dito sa Japan ay ang expenses ng isang employee na babayaran nya para makapasok sa work using public transportation, mula sa kanyang tinitirahang bahay, hanggang sa kanyang working place. Ang amount na ito ay isang parte ng salary ng isang employee na dapat ay taxable din, subalit meron batas sila na hindi ito dapat bayaran ng tax kung mababa ng 10 lapad. Above that, meron na kayong dapat bayaran na tax sa natatanggap nyong transpo allowance.
Other thing din na dapat nyong tandaan ay ang Japan ay same din sa Pinas. Wala sa labor law nila na nakasaad kung san responsible ng mga company na magbigay ng transpo allowance sa kanilang mga employee monthly. So here in Japan, kapag hindi kayo binibigyan ng transpo allowance ng inyong employer, di kayo pwedeng mag-reklamo tungkol dito dahil wala naman silang nilalabag na labor law.
Kaya lang, para maka-attract ng maraming employee ang mga company here, naging kaugalian ng ng mga company dito sa Japan na magbigay ng transpo allowance sa kanilang mga employee kung kayat naging common na ang pag-iisip ng mga manggagawa dito na ito ay isang batas, which is mali.
Since hindi ito isang batas or sakop ng labor law, ang condition sa pagbibigay ng transpo allowance ng mga company ay iba-iba. Meron mga company na hindi nagbibigay ng full paid, meron ding kalahati lamang, at meron din wala talaga. Meron namang binabase sa layo or distance ng bahay ng employee, at meron ding sa working years or contribution ng isang employee.
Actually, here in MALAGO we already received some inquiry mula sa ilang kababayan natin kung bakit wala silang natatanggap ng transpo allowance or hindi nagbibigay ang employer nila. So be aware on this. Check nyong mabuti ang inyong WA kung ano ang condition ng inyong employer about sa transpo allowance upang hindi kayo mag-sisi sa huli.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|