malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Magkano ang legal interest rate ng pautang dito sa Japan?

Feb. 20, 2019 (Wed), 4,185 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga nagpapa-utang at mahilig mangutang na mga kababayan natin dito sa Japan, bago nyo pasukin ang gawaing ito dito sa Japan, mas mabuting alamin nyo rin ang mga batas na napapaloob dito upang hindi kayo magkaroon ng problema later on.


Dahil sa nagiging mainit na usapan ang topic na ito here in MALAGO, we would like to share to you here ang mga important information na legal at naaayon sa batas ng Japan. First ay ang interest rate na mga pautang dito sa Japan na itinakda ng Japanese government.

Ayon sa mga information mula sa mga govenrment office at ilang lawyer website, ang LEGAL INTEREST RATE or tinatawag nila sa NIHONGO na 法廷利息 (HOUTEI RISOKU) ay hindi nakatakda before, kung kayat iba-iba ang rate na pinapataw ng mga loan company noon at maraming mga mamamayan dito sa Japan ang naghirap at nalubog sa pagkaka-utang.

Dahil dito, by year 2010, itinakda nila ang batas tungkol sa LEGAL INTEREST RATE na ito upang maging pare-pareho ang mga loan company at hindi pwedeng lumagpas sa itinakdang rate na ito, dahil magiging violation ito at punishable by law.

Ang legal interest rate na itinakda nila dito sa Japan ay ang sumusunod. Para sa utang below 10 lapad, ang maximum interest rate na ipapataw lamang ay 20% ANNUALLY. Kapag naman nasa 10 lapad to 100 lapad, ito ay magiging 18%, then kapag 100 lapad above naman, ito ay magiging 15%. Take note na ito ay ANNUAL RATE at hindi MONTHLY RATE.

So kung kayo ay meron utang sa ngayon at halimbawang pinapatawan kayo ng 10% above na MONTHLY RATE that will be 120% (in 1 YEAR) above ANNUAL RATE and that is ILLEGAL at tinatawag nila sa Nihongo na YAMIKIN. Ang nagpapautang sa inyo ay isang illegal company at pwede ninyo silang ipahuli kung gusto nyong habulin ang inyong binayad na pera na sobra-sobra na.

Dito sa Japan, maraming mga loan company tulad ng LAKE, PROMISE, at MOBIT kung saan madalas nyong makita ang mga commercial nila sa TV. Ang interest rate ng mga ito ay hindi lumalagpas ng 20% ANNUALLY. Nagkakaiba lamang ang kanilang offer na interest rate depende sa uutaning nyong amount sa kanila.

Kung susundin nyo ang rate na ito na itinakda ng Japan govenrment, kung kayo ay mangungutang ng 10 LAPAD, be aware na ang pwedeng maipatong sa inyong MAXIMUM RATE ay 20% lamang annually. Next year, you have to pay only 2 lapad bilang tubo o interest, then ang principal amount na 10 lapad. So all in all, magiging 12 lapad lamang ang babayaran nyo after 1 YEAR.

So kung kayo ay planong mangutang or magpapa-utang sa mga darating naraw, tandaan nyo ang LEGAL INTEREST RATE na ito at sundin upang hindi kayo magkaroon ng sabit sa batas dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.