malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Mag-ingat sa mga plane ticket scam na kumakalat here in Japan

Dec. 23, 2016 (Fri), 1,528 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.




This is another scam na natatanggap namin here in MALAGO sometimes mula sa ilan nating kababayan here in Japan na nabiktima ng isang travel agent daw, na hindi na nagpakita rin after nilang makapagbayad sa isang plane ticket na kinuha nila sa isang taong nakilala lang din nila online.

Ayon sa story nila, nakilala lang din nila ang mga taong ito online lalo na sa Facebook. Then nalaman na naghahanap sila ng plane ticket pauwi and they tried to offer a help to get them a plane ticket na mas mura daw. Then after some discussion, they paid the amount, then after that kung kelan na malapit ang kanilang flight ay hindi pa dumarating ang confirmation ng kanilang ticket at nawala na rin ang taong kausap nila.

Meron pang iba sa kanila ay sinabihang sa airport na nila makukuha ang ticket. But then ng pumunta sila sa airport, nalaman nilang wala pala silang reservation at saka lang nila nalamang naloko rin pala sila.

Meron ding ibang nabiktima ng mga taong nakilala nila sa immigration. Ang malimit mabiktima here ay mga overstayer na sumusuko voluntarily. Kadalasan kapag nakilala sila nito ay nag-ooffer na agad ng flight ticket kahit na hindi pa talaga formally na sumusuko. Then after na makasuko na at makapagbayad ng pera, nawawalan na sila ng contact sa tao.

Upang hindi kayo maloko sa mga scam na ito, better to get a plane ticket sa mga travel agent na kilala nyo or contact directly sa mga flight carrier. Meron silang call center 24 hours na pwede nyong ma-contact. Just check their homepage. This way, you can be sure na di kayo maloloko.

Sa mga sumusuko namang overstayer, wag na wag kayong makikipag-negotiate sa mga taong nag-ooffer ng service sa immigration. Actually ang ginagawa nilang business don sa immigration o pag-aabot lang ng mga flyers ay bawal at ito ay ina-aanounce mismo sa loob ng immigration na wag magsagawa nang anomang transaction. Buy plane ticket only kapag sinabihan na kayo ng immigration personnel at the time na sumuko kayo para makasigurado po kayo.

Mag-iingat sa mga ganitong klaseng scam. Maging smart at gamitin ang pag-iisip ng mabuti upand hindi masayang ang inyong pera.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.