Penalty sa mga Imitation Marriage violators (Third Penalty: Broker) Feb. 27, 2017 (Mon), 1,807 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa part 1 and part 2 ng usaping ito, tinalakay natin ang mga penalty na nakatakda para sa mga violators ng gawaing ito. Sa una ay penalty sa mga nagpakasal ng peke para sa kanilang kapakanan, then sa pangalawa naman ay meron kinalaman sa visa na maibibigay nila sa kanilang asawa.
Sa part na ito, tatalakayin naman natin ang penalty na nakatakda sa mga taong ginagawa ang gawaing ito upang kumita ng pera. Kadalasan ang napapaloob sa penalty na ito ay ang mga tinatawag na broker na syang namagitan upang maikasal ng peke ang both parties.
Hindi lamang ang mga broker, maging ang asawa na tumatanggap ng kabayaran mula sa kanyang fake na asawa ay magiging sakop din ng penalty na ito. Kapag napatunayan ng mga police o immigration na ang isang broker o asawa ay tumatanggap ng kabayaran mula sa isang partner nya, ang magiging penalty dito ay PAGKAKULONG NG HINDI LALAGPAS SA LIMANG (5) TAON, O PAGBAYAD NG MULTANG PERA NA HINDI LALAGPAS SA 500 LAPAD.
営利の目的で逮捕された者は、5年以下の懲役及び500万円以下の罰金に処する。
Sa tatlong nabanggit na mga penalty, ito ang pinakamabagit sa lahat dahil sa makikitang masama na ang mithiin ng mga taong na-involve. Hindi lamang ito, ang kadalasan na mga nabibigyan ng penalty na ito ay ang mga taong pasok sa Second Penalty, kung kayat magiging karagdagang parusa sa kanila ang penalty na nakatakda sa SECOND PENALTY.
Kung kayo ay nahuli sa inyong fake na marriage, lagi nyong tatandaan na hindi lamang ang mga penalty na ito dito sa Japan ang magiging kaparusahan sa inyo. Tandaan na kinakailangan nyo ring malinis ang inyong record sa Pinas kung nais nyong maibalik sa pagka-single ang status ninyo at maikasal muli. Magiging mahirap sa inyong ayusin ang mga document ninyo sa Pinas kapag nahuli kayo sa kasong imitation marriage dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|