malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Kodomo Hoken, bagong bayarin na maaaring idagdag sa Syakai Hoken

Jul. 17, 2017 (Mon), 1,501 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Paunang information lamang po sa mga kababayan natin here in Japan tungkol sa bagong hoken (insurance) na ito na pinapanukalang ipatupad ng ilang mambabatas dito sa Japan upang malutasan ang kahirapan ng mga magulang na merong batang maliliit at magkaroon ng interest ang iba na magkaroon ng anak.


Ayon sa news na ito, maaring isabatas sa nalalapit na taon ang KODOMO HOKEN at ito ay maaaring idagdag sa binabayaran nating SYAKAI HOKEN. Ang purpose ng insurance na ito ay upang matulungan ang mga parents na meron anak sa gastusin nila sa kanilang anak bago pumasok ng elementary school ang mga bata.

Ang maaaring bayaran natin dito sa ngayon ay 0.1% lamang na babayaran ng workers at company nila. As an example, kung ang annual salary ninyo ay nasa 400 lapad, nasa 240 YEN lamang ang magiging contribution ninyo monthly. Then sa amount na ito, maaaring mabigyan ng 5,000 YEN monthly ang mga parents na meron anak bilang suporta.

Sa mga darating na taon pa, ito ay pwedeng itaas upto 0.5% upang lumaki ang maaaring maibigay na financial support sa mga parents na aabot sa 25,000 YEN monthly.

Marami ang nagsasabing magandang isabatas ito subalit marami din ang ayaw lalo na sa walang interest na magka-anak dahil ang kadalasang dahilan nila ay bakit sila magbabayad ng contribution ganung hindi naman nila kaano-ano ang mga batang ito. Isa pa sa dahilan ay maaaring isabay ito sa pagtaas ng consumer tax na 10% na maaaring ipatupad sa darating na year 2019.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.