malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Magkano ang nagagastos sa panganganak dito sa Japan?

Apr. 28, 2018 (Sat), 3,415 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Dito sa Japan, ang panganganak ay isang malaking gastosin lalo na sa mga malilit ang annual income dahil hindi ito sakop ng KENKOU HOKEN (Health Insurance). Kung sakop sana ito, magiging 30% lamang ang babayaran ng isang family ng manganganak.

Sa mga undocumented foreigner here or mga overstayer na nabuntis at manganganak dito, magiging malaking gastusin nyo ito dahil sa wala kadalasang health insurance ang mga ito.


Meron dalawang malaking gastusin na dapat paghandaan kung kayo ay magbubuntis at manganganak dito sa Japan at ito ay ang sumusunod.

A. 妊婦健診 (NINFU KENSHIN) Medical checkup during pregnancy
By law here in Japan, ang isang buntis ay dapat na magpa-tingin sa isang doctor at least 14 times bago dumating ang kanyang delivery date. At sa bawat patingin sa doctor, ang magagastos ay nasa 4,000 to 5,000 YEN. So ang average na magagastos nyo dito ay nasa 5 to 10 lapad depende sa local municipality ninyo.

Ang pagpapatingin sa doctor kapag buntis kayo ay hindi sakop ng health insurance. So dapat ninyong sagutin ang lahat ng bill. Dahil sa malaking gastusin rin na ito, ang maaring makatulong sa inyo ay ang BOSHI TECHOU na dapat ninyong apply. Kung meron kayo nito, merong discount kayong makukuha at magiging maliit na ang inyong babayaran.


B. 出産費用 (SYUSSAN HIYOU) Birth delivery expenses
At the time na dumating na ang inyong panganganak dito sa Japan, kahit na normal delivery lamang at walang operation na ginawa, sinasabi na ang cost dito na dapat nyong bayaran ay nasa 30 to 70 lapad depende rin sa mga hospital. Ang average cost ay nasa 40 to 50 lapad naman at ang inyong health insurance ay hindi rin sakop ng bill na ito, and you need to pay it personally.

Dahil sa laki ng cost na ito, ang pwede nyong magamit ay ang SYUSSAN ICHIJIKIN benefit na binibigay ng health insurance ninyo. At ito ay ang amount na 42 LAPAD. Mostly ang hospital ang direct na kumokontak sa health insurance about this at sila ang nagbabayad din directly.

So after na manganak kayo at ang binayaran nyo lamang ay wala pang 10 lapad, ang 42 lapad na benefit na dapat nyong makuha sa health insurance ay binayad na nila directly sa hospital. Kaya wag na kayong maghanap pa ng refund tulad ng ibang nagtatanong here sa amin sa MALAGO. Mostly nagbibigay sila ng notice about it. Maaring nasa hospital bill nyo rin ito nakasulat na natanggap ninyo kaya check nyong mabuti.

Ang cost na nabanggit namin sa taas ay para lamang sa mga nanganak ng normal delivery. Sa mga meron operation na ginawa, magiging iba ang expenses na dapat nyong bayaran.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.