malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


How to Apply for Infant Medical Expenses Support?

May. 08, 2018 (Tue), 1,636 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



As you know, ang isang bata na bagong panganak ay prone sa mga sakit. Kahit na anong ingat ang gawin ninyo, madalas na magkaroon ito ng ubo, sipon at minsan ay malala pa. Kung meron ng health insurance ang isang baby, malaking maitutulong sa inyo dahil 30% na lang ang inyong dapat bayaran.


Subalit kung madalas namang magkasakit ang isang baby, ang 30% na dapat bayaran ng isang parents ay magiging malaking suliranin lalo na sa mga low income family. Dahil dito, meron isang welfare assistance na binibigay ng mga local municipality para bigyan ng financial support ang mga family na meron bagong silang na baby.

Ito ay ang tinatawag na 乳幼児医療費助成 (NYUUYOUJI IRYOUHI JOSEI) or Infant Medical Expenses Assistance. Ito ang dapat ninyong apply, after na maipasok nyo sa health insurance ninyo ang inyong baby upang maging almost FREE ang medical expenses na dapat ninyo bayaran in case na magkasakit ang inyong anak.

Kapag naaprobahan ang inyong application nito, bibigyan kayo ng 乳幼児医療証 (NYUUYOUJI IRYOUSYOU) Infant Medical Certificate na syang ipapakita ninyo sa hospital or sa pharmacy kung bibili ng gamot para sa inyong anak. Dahil sa certificate na ito, magiging almost 0 YEN ang inyong babayaran sa hospital at maging sa mga gamot.

Ang application nito at ang assistance or support na makukuha ay depende sa mga local municipality at hindi pare-pareho.

IMPORTANT REMINDERS:
1. LIMIT FOR APPLICATION
Depende sa mga local municipality, subalit karamihan ay within 1 MONTH after na maisilang ang isang baby dapat gawin ang application nito.

2. WHERE TO APPLY?
Kung saan naka-register ang inyong JUUMINHYOU or Residence Certificate na city hall kayo dapat mag-apply nito.

3. WHO SHOULD APPLY?
Ang dapat na mag-apply ay ang parents or guardian ng baby.


REQUIREMENTS FOR APPLICATION:
1. APPLICATION FORM
2. 子供の健康保険証 (KODOMO NO KENKOU HOKENSYOU), health insurance ng batang bagong silang
3. 印鑑 (INKAN), hanko or seal ng applicant
4. Identification card like passport, driver license, etc.
5. My Number
6. 所得証明書 (SYOTOKU SYOUMEISYO) Income tax certificate


This welfare assistance ay hindi lamang sa mga bagong silang na mga bata, kung kayo ay kararating lamang dito sa Japan at meron kasamang maliliit na bata na anak ninyo at dependent nyo sila at meron long term visa, you can also apply this for them para sa magiging medical assistance nila.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.