Step by Step Procedure kung paano maka-avail ng Kaigo Hoken Benefit Dec. 21, 2017 (Thu), 963 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung dumating ang time na kailanganin ninyo ang Kaigo Hoken Benefit, need na apply nyo ito personally o sinomang member ng family ninyo. Hindi kayo makaka-avail ng benefit na ito kung hindi kayo mag-apply at hindi maaaprobahan ng municipality kung saan kayo nakatira dito sa Japan.
Ang flow below ang syang ginagawang guide mula sa pag-apply ng benefit na ito hanggang sa maaprobahan ng municipality. Gawin nyong reference ang guide na ito kung dumating ang time na kakailanganin ninyong mag-apply.
STEP 1: KAIGO HOKEN BENEFIT APPLICATION
First and foremost, need ninyo pumunta sa city hall ng lugar ninyo personally o sinomang member ng family ninyo upang mag-apply ng benefit. Submit the application kasama ang mga kinakailangang mga documents. Para sa detalye ng mga kinakailangang documents, pumunta sa kanilang office at don magtanong directly.
STEP 2: APPLICATION REVIEW AND EVALUATION
After na matanggap ng municipality ang inyong application, meron careworker or social worker mula sa inyong municipality ang pupunta sa inyong bahay para bumisita at tingnan ang kalagayan ng applicant na syang nangangailangan ng KAIGO HOKEN BENEFIT. Meron silang dalang investigation sheet or check list na parehong ginagamit nationwide upang makuha ang information na kakailanganin nila sa paggawa ng decision kung aaprobahan o hindi ang inyong application.
Ang nakuhang information mula sa applicant ay sisiyasatin ng mga doctor na syang in-charge sa bawat municipality at kukunan sila ng opinion tungkol dito na kakailanganin din sa paggawa ng pasya.
STEP 3: DECISION MAKING
Ang first stage ng decision making ng isang applicant ay magiging computerize base mula sa mga check list at opinion data na nakuha ng mga social worker sa isang applicant. After nito, magkakaroon ng second stage decision making para sa mga pumasa sa first stage na gagawin naman ng isang committee ng municipality. Dito nila ilalabas ang kanilang magiging decision kung aaprobahan ba o hindi ang application ng isang taong nangangailangan ng KAIGO HOKEN BENEFIT.
STEP 4: RESULT REPORTING
Ang magiging result ng application ay ipapa-alam sa inyo ng inyong municipality sa pamamagitan ng pagpapadala sa inyo ng isang TSUUCHISYO (NOTICE). Sa notice na ito nakasulat kung aprobado o hindi ang inyong application at kung ano pa ang magiging next step na dapat ninyong gawin.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|