malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Top 3 worst place to live in Tokyo 2017

Oct. 09, 2017 (Mon), 1,395 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung meron mga sikat na lugar in Tokyo na gustong lipatan o tirahan ng karamihan dahil sa conveniency, services ng mga local government at ganda ng environment, meron ding mga worst places na ayaw nilang tirahan dahil sa mga ibat ibang dahilan.


Ang ranking na ito ay ginagawa mostly every year at nakaka-apekto rin sa presyo ng mga rent ng bahay at pati na rin ang presyo sa pagbili ng mga house and lot. Ang survey na ito ay ginawa ng Tokyo Deep Guide, and we want also to share it here. For this year 2017, ang top 3 na ayaw nilang tirahan ay ang mga sumusunod.

TOP 1 IKEBUKURO (TOYOSHIMA-KU)
By year 2014 to 2015, ang Ikebukuru ay na-rank na number one sa gustong tirahan ng mga Japanese here in Tokyo. Recently, marami rin ang mga bagong gawang tower mansion at mga park at nagiging celeb na rin ang place subalit sa dami ng mga club at omise dito ang syang naging minus image. Marami din daw nakikitang mga drugs transaction (including kiken drugs) sa area na ito.

A shopping area in East exit, and an entertainment district at North exit of Ikebukuro station is a famous place para sa mga tourist. Subalit ang image na ito sa umaga ay nagiging iba pagdating ng gabi. Ayon sa article, this is quite connected sa past history ng Ikebukuru noon pang Edo Period.


TOP 2 TAKENOTSUKA (ADACHI-KU)
Ang bad image sa lugar na ito ay madalas magkaroon ng mga crime incident ayon sa article. Madalas din na maaaring ma-involve ka sa mga incident kapag naglalakad sa gabi kung kayat hindi ito recommended na lugar sa mga babae na tumirang mag-isa ayon pa sa article. Maraming mga pachinko at omise at club na syang nakadagdag pa sa minus image ng lugar. Ang TAKENOTSUKA rin ang tinaguriang KABUKICHOU ng ADACHI-KU.

Ayon naman sa mga review site, ang dami ng mga play ground at park para sa mga bata, at pagkakaroon ng departure train sa TAKENOTSUKA station ang syang nakapag contribute sa ganda ng image nito.


TOP 3 KOIWA (EDOGAWA-KU)
Ang naging bad image sa lugar na ito ay ang hindi magandang SAFETY & ORDER ng lugar. Recently, marami daw ang mga crime na nangyayari at hindi masasabing safe na manirahan sa lugar na ito. Madalas din na ipalabas ang documentation ng town na ito sa TV at tinatagurian nilang KAWATTA MACHI.

Ang good image here sa lugar na ito ay marami daw ng mga personal store and restaurant. Marami din mga pagkain kayong makakain mula sa ibat ibang bansa. Mura at mababa ang presyo kung kayat nagkukulang sa pagiging osyare ang lugar na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.