malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang border line ng annual salary ng isang asawang dependent?

Sep. 25, 2017 (Mon), 1,980 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



100 lapad, 103 lapad, 130 lapad or 150 lapad? Ano ba ang tama dito at ano ang susundin na border line ng isang dependent na nagtatrabaho?

Sa mga misis o mister na dependent sa kanilang asawa, at pasok sa SYAKAI HOKEN ng kanilang mga partner, kung nais ninyong magtrabaho upang magkaroon ng additional income, be careful sa magiging annual salary ninyo. Base sa magiging total amount ng annual salary ninyo, maaaring matanggal kayo sa pagiging dependent ng inyong mister at kinakailangan ninyong magbayad ng inyong sariling syakai hoken (social insurance).


Hindi lamang syakai hoken, maaari din kayong magbayad ng income tax at residence tax base sa magiging amount ng inyong annual salary. Ang present border line ng annual salary ng isang dependent ay hindi pa nababago at ito ay nasa 130 lapad pa rin. Hindi pa ito nababago kung kayat hwag kayo maniwala sa mga sabi-sabi. Ang implementation nito ay next year 2018 pa ayon sa mga news sa ngayon. We will post it here also in MALAGO kapag nag-start na ang implementation nito.

Ang mga sumusunod na amount below ay pinapaliwanag kung ano ang possible na mangyari kapag lumagpas kayo sa salary border line na ito. Ano ang inyong dapat bayaran at alin ang hindi, here it is.

(1) Below 100 Lapad
Kung ang annual salary ninyo ay hindi lalagpas ng 100 lapad yearly, wala kayong babayaran na anoman. Maging income tax, residence tax at syakai hoken. Meaning ang buong sahod ninyo ay inyong inyo.

(2) Above 100 lapad Below 103 Lapad
Kapag ang annual salary ninyo ay nasa range na ito, need nyo ng magbayad ng RESIDENCE TAX sa city hall kung saan kayo nakatira. Ito lang ang babayaran ninyo at wala ng iba.

(3) Above 103 Lapad Below 130 Lapad
Pag ang annual salary ninyo naman ay umabot ng more than 103 lapad, need na ninyong magbayad ng RESIDENCE TAX at INCOME TAX, pero wala pa rin kayong babayaran sa syakai hoken at mananatili kayong dependent ng inyong asawa.

(4) Above 130 Lapad
Kung ang inyong annual salary ay lumagpas ng 130 Lapad, need na ninyong magbayad ng RESIDENCE TAX, INCOME TAX at SYAKAI HOKEN (KENKOU HOKEN, NENKIN, KOYOU HOKEN, KAIGO HOKEN). Sa syakai hoken, mahihiwalay na kayo sa inyong asawa at magkakaroon na kayo ng sarili ninyo.

Sa ngayon, ang mga nabanggit sa taas ang pinaka border line ng salary ng isang dependent. Maaaring mabago at umabot ito sa 150 lapad next year 2018. Subalit ang mga ito ay in-general lamang at maaaring mabago depende sa iba pang benefits na tinatanggap ng asawa tulad ng FAMILY ALLOWANCE sa company. Maaaring mabago ito kung kayat dapat na confirm ng inyong asawa sa company mismo.

Also, meron mga company rin na need ninyong magbayad ng syakai hoken kahit na kayo ay pasok na dependent ng inyong asawa dahil ito ay rules nila. So bago ninyo tanggapin ang work, tanungin ninyo kung ano ang rules nila pagdating sa syakai hoken.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.