Yokohama at Kawasaki City, first work place ng DH sa Kanagawa Prefecture Jan. 23, 2016 (Sat), 922 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa pagstart ng pagpasok ng mga DH dito sa Japan ngayong darating na spring season, nagiging busy ang Kanagawa Prefecture local government sa pagsasaayos at paghahanda sa implementation nito.
Sa ngayon, meron ng 8 companies na naghahanda na rin para sa pagpasok ng mga possible DH workers na makukuha nila outside Japan, at lahat sila ay planong kumuha mula sa Pinas dahil kilala ang ating bansa at meron records and experience about DH workers.
Ang possible city na magiging working location nila ay Yokohama City at Kawasaki City dahil ito ang place na maraming nangangailangan now ayon sa news na ito. Ayon sa isang company na gustong mag hire ng mga DH workers, maraming mga family sa city na ito kung saan parehong nagtatrabaho ang mag-asawa. Marami ang kumukuha ng service subalit wala silang ma-provide na tao at nagkukulang talaga sila. In the future kung sakaling magtuloy tuloy ito, plano nilang kumuha ng mahigit 1,000 DH workers.
Kung ano ang magiging result sa pagpasok ng mga DH workers sa Kanagawa Prefecture ang magiging basehan ng Japanese government kung ito ay ipapa-implement nila all over Japan. Hindi rin alam ng mga company kung magiging open ang mga Japanese na kukuha ng service kung saan ang mga workers ay mga dayuhan, so they will monitor it thoroughly ayon sa news na ito from Mainichi Shimbun.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|