malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Bakit mahirap makakuha ng WORKING VISA dito sa Japan?

Jan. 04, 2019 (Fri), 6,249 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Marami sa atin dito ang gustong makapag work ng legal in Japan and as possible ay tuloy-tuloy, hindi bilang isang trainee, kundi direct sa mga company at wala ng agency na dadaanan. Ang lahat ng mga ito ay magiging possible lamang kung ang hawak ninyo ay WORKING VISA.


Sa pag-start ng bagong visa policy sa April this year, ang usual na WORKING VISA application ay hindi mawawala at hindi maa-abolish. You can apply for it if you want provided na meron kang mga documents na requirements nila para sa application.

Kaya lang, ang pag-apply sa visa na ito ay hindi madali. Maraming gustong makakuha subalit hindi basta basta nagbibigay ang immigration kung hindi kayo fit sa policy and guidelines nila tungkol sa visa na ito.

Ilan sa makikitang dahilan kung bakit hindi madaling makakuha ng WORKING VISA dito sa Japan ay ang mga sumusunod:

First, ay ang VALID GUARANTOR. Tulad ng maraming katanungan na natatanggap namin dito sa Japan kung pwede nilang mabigyan ng WORKING VISA ang mga kaanak nila, that is not possible. Ang WORKING VISA ay pwede lamang maibigay ng mga EMPLOYER or COMPANY that willing to hire you. Sila lamang ang pwedeng magbigay ng mga necessary documents para sa visa application nito. So yong mga family nyo here in Japan, friends, school or any volunteer groups ay hindi pwedeng maging valid na GUARANTOR ninyo.

Second, na dapat nyong malusutan ay ang screening sa Philippine government side. Before medyo madali pa at need nyo lamang maipakita ang WORK CONTRACT sa POEA para sa mga direct hire at makakakuha na kayo ng OEC, pero now, its totally different. Naging mahigpit na rin sila dahil sa dumaraming mga human trafficking cases at nalolokong mga kababayan nating workers. You need first now to validate your WORK CONTRACT sa POLO sa Philippine Embassy here in Japan bago kayo makapag process ng document sa POEA and OWWA for your OEC sa Pinas.

Third, ay ang REQUIREMENTS ng immigration for WORKING VISA application. Ayon sa immigration, ang purpose ng visa na ito ay para mai-apply into work ang natapos o napag-aralan sa mga university or higher education school. So graduating in college or universities is a MUST here for applicant. Then yong natapos nyo sa school must be related to the work itself na gagawin ninyo.

Now, kung kayo ay high school graduate lamang, meron din chance na kayo ay makapag apply nito, subalit need daw na maipakita ninyo na meron kayong more than 10 YEARS of experience sa work na ginagawa ninyo, meron mga naipasang certifications and license will be an advantage.

As of now, yan ang nakikita naming mga wall na dapat ninyong malagpasan upang makapag apply ng WORKING VISA here in Japan and to work here legally ng tuloy-tuloy as long that you are employ by your employer.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.