Important points to remember about KENKOU HOKEN (Health Insurance) na sakop ng SYAKAI HOKEN Jun. 27, 2017 (Tue), 2,208 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
As we already discussed what is SYAKAI HOKEN (Social Insurance) is, this time, discuss naman natin isa-isa ang nasasakop nitong mga insurance. Lets start sa KENKOU HOKEN or Medical Insurance first. Take note na ang insurance na ito ay iba sa mga health insurance na maaaring makuha ninyo sa mga private companies. Ang insurance na ito na tatalakayin natin ay sakop lamang ng SYAKAI HOKEN dito sa Japan.
Para magkaroon kayo ng basic idea tungkol dito, papakatandaan ninyo ang mga bagay na babanggitin sa baba upang magkaroon kayo ng kaalaman din at hindi lamang bayad lang kayo ng bayad monthly ng inyong contribution.
ANO ANG MAIN PURPOSE NG KENKOU HOKEN?
Ang pinaka main purpose ng insurance na ito ay para magbigay ng support na financial sa lahat ng member upang mapagaan ang babayarang charge or bill sa hospital or medicine kapag sya ay nagkasakit, in time of emergency at sa iba pang medical services. Hindi lamang ang member nito kundi ang mga dependents nitong asawa o mga anak na kanyang na-declare.
ANO ANG MGA TYPES NG KENKOU HOKEN?
Sinasabing meron tatlong klaseng KENKOU HOKEN dito sa Japan depende sa type ng company or business na kanilang ginagawa. Ito ay ang KUMIAI KENKOU HOKEN (Employment-Based Health Insurance), KYOUKAI KENPO (Organization Health Insurance) at KOKUMIN KENKOU HOKEN (National Health Insurance). Ang KUMIAI KENKOU HOKEN ay mostly sinasalihan ng mga company employee, at ang KOKUMIN KENKOU HOKEN naman ay mga self-employed ang sumasali dito kadalasan.
PAANO ANG COMPUTATION NG KENKOU HOKEN?
Ang monthly contribution natin sa KENKOU HOKEN ay computed gamit ang dalawang factors. Ito ay ang average monthly salary ng isang employee, at ang INSURANCE CHARGE RATE na computed naman ng mga nagko-control sa mga health insurance. Ang AVERAGE MONTHLY SALARY ay kino-compute every year gamit ang inyong salary during month of APRIL, MAY & JUNE. Para maging maliit ang value nito, as possible, maraming mga Japanese ang hindi nag-oovertime during this month, dahil kapag malaki ang salary nila during this month, lalaki rin ang magiging bawas sa kanila sa KENKOU HOKEN na ibabawas for the whole year. We will discuss on other article ang tamang computation about this.
MAGKANO ANG CONTRIBUTION PERCENTAGE SA KENKOU HOKEN?
Ang monthly na dapat bayaran sa KENKOU HOKEN ay hindi lahat sino-shoulder ng isang employee or member. Mostly, fifty-fifty ang isang employee at ang kanyang employer sa amount. Pero meron ding mga Health Insurance organization na hindi hati ang pagbabayad dito. Sometimes 60% sa company, at 40% naman sa employee depende sa rules nila.
ANO-ANO ANG MGA BENEFITS NA MAKUKUHA SA KENKOU HOKEN?
Ang mga benefits na maaaring makuha ninyo sa inyong sinasalihang KENKOU HOKEN ay hindi pare-pareho. Depende yan sa kanilang mga binibigay na benefits. So check ninyo kung ano-ano ang mga ito. Ang mga common lamang ay mga cash assistance kapag meron namamatayan, meron malalang accident na nangyari, pag-silang ng babay ng isang member at iba pa. Meron ding mga nagbibigay ng discount sa pag-travel and stay sa mga hotel, membership sa mga sports club at iba pang entertainment and leisure activity. Para malaman nyo ito, better na alamin sa inyong sinasalihang KENKOU HOKEN.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|