malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Gold investment na nagkalat, maraming nalokong mga Pinoy din sa Japan

Dec. 19, 2016 (Mon), 1,478 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



I think you already knew this investment na naging mainit na issue hindi lang sa Pinas kundi maging sa ibang bansa kung saan maraming mga kababayan natin ang naloko daw. Dito rin sa Japan, di ko na rin mabilang kung ilan ang nagtanong sa amin here, asking for advise kung paano mahabol ang perang nilabas nila. Meron mga naloko at meron din yong mga napagbibintangan lang na nagtatanong kung paano nila malulutas ang problemang kanilang hinaharap.


Kung isa kayo sa mga naging biktima nito at meron kayong taong hinahanap, you are free to post their information sa baba ng article na ito bilang patunay na rin at maging babala sa ilan nating kababayan na maaari pang maging biktima in the future.

Sa amount na naririnig namin mula sa mga naloko, I think ito na ata ang pinakamalaking scam o mga panloloko na nagawa sa mga kababayan natin here in Japan. The amount is ranging from 3 lapad to 300 lapad. Lalo na don sa mga kumuha ng maraming slot, sila ang naging kaawa-awa. Sad to say, at mukhang until now ay meron pa rin nito. Siguro yong mga talagang nakaka-intindi lang din ng scheme at meron grupo that fully understand the investment program. Maaaring hindi scam sa kanila dahil naiitindihan nila yong business scheme, pero sa mga naloko, masasabi nilang scam nga agad.

Sa mga nababasa naming reklamo ng mga nabiktima, ang common na sinasabi nila ay iisa lang. Ang naloko sila ng pinaka leader nila. Biglang nawala agad at tinakbo na ang pera ng mga members na nasasakupan nito. Nawalan na sila ng contact dito at di na nila alam kung saan ito matatagpuan. Hindi na nila mabawi ang perang pinasok nila.

Sa mga nagpasok naman at hinahabol ng taong pinasok nila, ang lagi nilang sinasabi ay wala rin sa kanila ang pera at nasa pinaka-leader, na kasama rin sila sa mga nabiktima. Na hindi nila kasalanan ito, at kung ano-ano pa. Then dahil dito, nagkagalit ang mga magkakaibigan at magkakilala, etc.

Marami ang pumasok at sumali sa investment na ito na nagkalat noon sa FACEBOOK. Walang araw na hindi ako nakakita sa timeline ko ng mga investment na ito. Marami ang naengganyo ng makita nila ang lapad-lapad na perang ginagawa pang pamaypay ng mga taong nag-aalok sa kanila. Pati ang mga kotse, mga bank account na meron mga pumapasok na pera, at kung ano ano pang pakulo para marami silang mahatak na tao.

Investing is a complicated thing. Hwag na hwag kayong maglalabas ng pera na hindi nyo alam kung ano ang pinapasok nyong investment dahil 100% sure na hindi na nga babalik ang pera ninyo dahil parang pinamigay nyo lamang po ito. Tulad ng mga pagbebenta ng properties here in Japan, ang mga taong gumagawa nito should have a valid visa also, at ang perang ibibigay mo sa kanila ay hindi cash, mostly bank to bank ang transaction at mga account ng mga investment company mismo ang papadalhan mo at hindi personal bank account lang.

Pagka-ingatan ang perang hawak na ninyo dahil bunga na ito ng pinagpaguran ninyo. Hwag nyong hahayaan na lamang na makuha ng ibang tao sa inyo dahil sa pananamantala nila sa pagiging walang kaalaman ninyo. Maraming mga safe investment dito sa Japan, at mas secure pa compare sa mga nakikita ninyo sa FACEBOOK lamang.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.