malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Apply agad ang mga documents na dapat apply bago abutin ng mga pagbabago sa batas

Jan. 28, 2017 (Sat), 2,265 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung meron mga pagbabagong nangyari sa inyong civil status dito sa Japan, tulad ng pagkayo ay ikinasal, nanganak, nag-divorce at kung ano ano pa, be sure na ayusin at tapusin nyo ang lahat na dapat gawin at kailangang submit sa mga kinauukulan upang maayos ang inyong mga documents ng tama. Hwag hayaang tumagal pa o lumipas ang mahabang oras bago gawin ito.


You need to do this at baka magkaroon ulit ng mga pagbabago sa mga batas at abutan kayo ng mga pagbabagong ito. We can give you a good example about this. Dati rati meron pang REPORT OF DIVORCE sa Philippine Embassy, pero ngayon ay wala na. Marami sa ating mga kababayan na nag-divorce before at hindi agad nila nai-report sa Philippine Embassy, and as a result, inabutan sila ng pagbabago at kinakailangan na nila now na ayusin ang kanilang divorce sa Pinas pa na kanilang pinagsisihan now. Wala silang ibang masisi kundi ang sarili rin nila dahil sa kapabayaan nila. So maaaring mangyari din sa inyo ito kapag di nyo naisa-submit or naii-report ang dapat report sa Philippine Embassy.

Hindi lamang sa mga documents ninyo, maging sa inyong passport at visa. Make sure na alam nyo rin at tandaan kung kelan ang expiration nito at kung kelan kayo dapat mag-apply ng exntension at renewal. Its your duty to do this.

Recently, marami kaming natatanggap ng mga tanong here kung paano mag-renew ng passport na expire na, at kinakailangan nilang umuwi agad. Sa sobrang need nila minsan nakikipag-away na sa mga authority na kung iisipin ay kasalan din naman nila.

Meron namang expired na ang visa at nakalimutan nilang apply ang extension at parang mga batang umiiyak kung paano makakakuha ulit ng visa lalo na yong mga tumatagal sa Pinas na meron hawak na Permanent Visa.

Ang mga ganitong cases ay duty natin na tandaan at apply ng tama bago magbago ang anomang batas o abutin ng expiration. Wala tayong rights para sisihin ang anomang govenrment agency na pilitin ang gusto natin dahil sa kapabayaan natin. Its a common sense lang din naman po.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.