Mag-ingat sa Refugee application scam na kumakalat now sa Pinas Jan. 10, 2017 (Tue), 1,683 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Recently meron kaming mga natatanggap na mga tanong mula sa mga nabiktima ng mga kumakalat na scam about REFUGEE APPLICATION dito sa Japan, about kung paano nila mababawi ang perang kanilang naibayad para makapasok sila dito sa Japan. Dati rati ay mga JFC lang ang tinatarget ata ng mga grupong ito, subalit recently, pati ang pag-apply bilang refugee here in Japan ay kanilang pinasok na rin at marami nang nagiging biktimang kababayan natin.
Ayon sa kwento ng ilang nabiktima, ang strategy nila ay papupuntahin nila here ang isang applicant na Pinoy na naloko nila. Aaplyan nila ito ng FAMILY VISIT VISA para makapasok ng Japan sa tulong ng kanilang guarantor na nakatira na rin sa Japan, then pagnakarating na here in Japan, saka sila mag-apply sa immigration bilang refugee. Then kapag under application ang pagiging refugee nila, after ilang monthl lang, they are eligible to work na at dito kikita ng pera ang isang applicant dahil ang mga grupong manloloko na ito rin ang syang magbibigay ng work para sa kanila.
Ang ilang sa nabiktima ng scam na ito ay nakapagbayad na rin ng malaking halaga na umaabot sa 50 thousand ang iba dahil ang akala nila ay totoo at makakapasok sila sa Japan at makakapag trabaho upang kumita. Subalit pabago bago ang sinasabi ng mga contact nila sa Pinas pati na rin ang schedule ng alis daw nila.
Ang refugee application here in Japan ay naging malaking issue na rin last year dahil sa biglang pagdami ng applicants nito simula ng luwagan ng Japan immigration ang visa application nila sa ibang bansa tulad ng Thailand, Vietnam at Indonesia.
Karamihan sa mga ito ay pumapasok here in Japan bilang tourist, then para makapag trabaho, ay nag-apply sila sa immigration bilang mga refugee. Ito ang nakitang pagkakataon ng mga grupo sa Pinas na gayahin din ito kaya nanghihikayat sila ng mga kababayan natin sa Pinas na kanilang maloloko.
Sa ngayon, lalong humigpit ang immigration sa kanilang screening sa mga refugee applicants dahil sa pagdami nito at marami na ring mga nahuhuli. Ang Japan ay hindi halos nag-aaproba ng refugee applicants. Last year ang bilang ng mga nabigyan lamang or naaprobahan ay napakakunti na karamihan ay galing ng Syria.
Sa mga nagtatanong kung ano ang qualification sa refugee application, pwede lang kayo mag-apply nito kung ang bansang pinanggalingan ninyo ay magulo, meron gyera halimbawa at nanganganib ang buhay ninyo. You have to show some proof about it. Ang bansa natin now ay tahimik at peaceful at alam ng Japan immigration ito kung kayat magiging kaduda-duda para sa kanila ang mag-apply kayo nito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|