malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Health insurance for tourist & family visit visa sa Japan

Feb. 05, 2019 (Tue), 10,041 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga short term visa holder na pumupunta dito sa Japan, maging family member ninyo, relatives or friends, in case na meron mangyari sa kanilang emergency, nagkasakit man o naisugod sa hospital sa hindi inaasahang pangyayari, magiging malaking problem nyo ang kanilang hospital bill pag wala silang health insurance dito sa Japan.


Sa mga nagiging guarantor, maaaring maging responsibility ninyo ito na dapat gampanan in case na hindi kayang mabayaran ng mga na-hospital ninyong visitor ang kanilang bill. Marami ng mga nangyayaring case na ganito sa ngayon kung saan ang ilan nating kababayang pumupunta dito sa Japan na walang health insurance ay nagkakaroon ng malaking problem matapos na maisugod ang kanilang mga family sa hospital.

Kung sa inyo ito mangyari bilang guarantor, ano ang gagawin ninyo? Makaya nyo kaya ang malaking hospital bill na naghihintay sa inyo?

Ang mga short term visa holder na family or friend na pinapupunta nyo dito sa Japan ay hindi pwedeng maipasok sa health insurance na ginagamit natin dito Japan maging KOKUMIN KENKOU HOKEN man, or KOUSEI KENKOU HOKEN. Ang reason here ay hindi sila long term visa holder at wala rin silang residence certificate na makukuha sa city hall na syang need sa pag-apply nito.

So, ano ang maaaring option na inyong dapat gawin para sa magiging health insurance na magagamit nila dito sa Japan sa maikling period ng pag-stay nila. The only way para maiwasan ito ay makunan din nyo sila ng separate health insurance. Kung saan ninyo ito pwede makuha, ito ay ang mga sumusunod:

1. Application of travel health insurance sa PINAS
Bago pa man sila pumunta dito sa Japan, pwede kayong mag-avail ng mga health insurance back in the Philippines. Meron mga company na nag-ooffer ng ganitong service din. Kaya lang ingat kayo at check ninyong mabuti ang coverage ng policy nila. Baka mamaya pag dating dito sa Japan ay hindi ma-consider ng hospital ang insurance na nakuha ninyo, so malaking problem ito.

2. Application of travel health insurance at JAPAN AIRPORT
Meron mga health insurance company din dito sa mga international airport sa Japan na maaaring pag-aplayan nyo. Habang naghihintay kayo sa pagdating ng inyong family or friend sa airport, better to find their booth at mag-inquire. Mas makakabuti siguro kung magtanong kayo sa information desk sa airport kung saan naka-pwesto ang mga ito. Then ask for the procedure, at pagdating ng visitor ninyo, daan ulit kayo sa window nila to complete the application processing.

3. Application of travel health insurance at LOCAL MUNICIPALITY
Meron mga naririnig kami dito sa MALAGO na meron mga local municipality here in Japan na meron mga health insurance for travellers. Better to check your city hall kung meron ding ganitong service silang ini-offer, then makakabuti siguro na don na lang kayo mag-apply pagdating ng inyong visitor sa bahay ninyo.

4. Application of travel health insurance ONLINE
If you can't find any, the last option siguro is check the internet para sa mga company na nag-offer ng ganitong service. Maraming company dito sa Japan na meron ganitong service, and you just only need to find it. Mas better siguro na mag-inquire kayo directly pag nakita ninyo ang website nila and let someone na marunong mag Japanese do the talking.

Thats it. Ito lang ang mga option na maaari ninyong pag-pilian kung paano kayo makakakuha ng health insurance para sa inyong visitors dito sa Japan and to avoid the hassle in case na meron mangyaring medical emergency.

Lastly, better check yong contents ng policy ng insurance na kukunin ninyo lalo na ang coverage nito. Check nyo rin yong mga option na maaari ninyong kunin lalo na yong pagpapadala ng bangkay ng isang tao in case na mamatay ito dito sa Japan, dahil sobrang gastos din nito in case na mangyari ang kinakakatakutan ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.