malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


It takes time bago makapag-apply ng Permanent Visa (PV) dito sa Japan

Mar. 03, 2017 (Fri), 2,303 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Recently marami kaming natatanggap na katanungan dito sa MALAGO kung kelan pwedeng makapag-apply ng PV dito sa Japan. Ilan sa mga ito ay mukhang baguhan o bagong dating pa lamang dito sa Japan at mukhang hindi pa alam ang patakaran, dahil ang ilan sa kanila ay gusto na agad mag-apply ng PV kahit na kararating pa lamang nila here.


Actually, you can apply PV kahit na kakarating nyo lang here sa Japan kung gugustohin ninyo. Walang makakapigil sa inyo dahil freedom nyo po yan, kaya lang kung hindi angkop o wala sa oras ang inyong application, 100% sure na deny din kayo at masasayang lang inyong pagod at oras sa pag-aayos ng mga kailangang documents.

The truth is, it takes time para maging eiligible kayong makapag-apply ng PV dito. Hindi ganuna kadali. Yong mga conditions at period na kailangan mo bago ka makapag-apply ng PV ay depende sa type ng visa na hawak ninyo.

Halimbawa, sa mga working visa holder, 10 years ang kinakailangan mong working period and consecutive stay here in Japan bago nila review ang inyong PV application at hindi pa ito sure kung mabibigyan ka o hindi. Kailangan mo ring ipakita na stable ang work mo and financially stable. Hindi maganda tingnan yon palipat-lipat kayo ng work or company. Mas better na manatili kayo sa isang company dahil dito nila nakikita ang stability ng work ninyo.

Sa mga Japanese Spouse Visa (JSV) holder naman, its a case by case. Compare sa ibang type ng visa, malaki ang advantage nila dahil di na nila kailangan pang maghintay ng mahabang oras bago makapag-apply ng PV. Meron nabibigyan agad after ng stay nila here ng 3 years or 5 years. Pero recently, dahil sa paglabas nila ng 5 years period of stay, marami ang hindi agad nabibigyan ng PV at binibigyan lang nila muna ng 3 years or 5 years bago mabigyan ng PV.

So, ang point here is hwag agad magmadali o atat na mag-apply ng PV. Ang deny na result sa ating visa application ay meron ding negative impact sa isang applicant. So better na hwag magkaroon nito. Para mabigyan agad kayo ng PV dito sa Japan at the time of your application, ang dapat nyong gawin ay sumunod sa batas at rules nila, wag gagawa ng anomang bad record, magbayad ng taxes, maging financially stable, at mag-stay here in Japan for a longer times at hindi yong pauwi-uwi sa Pinas o laging lumalabas ng Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.