What are the requirements for travel clearance application (with accompany)? Feb. 24, 2015 (Tue), 956 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung ang anak nyo naman ay magta-travel na meron kasama or kasabay sa byahe na hindi legal guardian or hindi nanay or tatay ng bata, ito naman ang kinakailangan nyong documents na dapat ihanda para sa travel clearance application nito.
Ang mga sumusunod na documents ang kailangan ninyong ihanda ayon sa DSWD.
1. Travel Clearance application form
You can get this application form sa DSWD office mismo. Kailangan nyong sulatan ang lahat ng kailangang information bago nyo ito submit.
2. Photocopy of Birth Certificate of minor
Xerox nyo ang birth certificate ng anak ninyo at isama ito sa isa-submit na mga documents. Meron time na maaaring manghingi pa ng additional documents ang DSWD para ma-ensure ang identity ng bata.
3. Written Consent of Parent
A written consent letter of the parent kung saan pinapayagan nyang mag-travel ang bata ng mag-isa papunta sa ibang bansa.
4. Document Certifying Child Custody
Kung ang parents ng bata ay kasal at buhay pa, a copy of the MARRIAGE CERTIFICATE is necessary. Kung ang bata ay nasa poder ng legal guardian or solo parent nya, a copy of CERITIFICATE OF LEGAL GUARDIANSHIP ang kailangan.
Kung ang bata naman ay illegitimate minor, kailangan nyong ipasa ang copy ng CENOMAR ninyo na makukuha sa NSO. Kung ang parents naman ay patay na, a photocopy of DEATH CERTIFICATE ay kailangan.
5. Pictures
Two colored passport size photos of the minor taken within the last six (6) months.
6. Photo copy of the passport ng taong makakasama ng batang magta-travel
IMPORTANT REMINDER:
Kung ang bata ay illegitimate child at magta-travel na kasama ng tunay nitong father, kinakailangan pa rin nitong kumuha ng travel clearance certificate sa DSWD. Ang reason for this is because ang parental authority ay binibigay lamang sa tunay na mother ng bata ayon sa Article 176 of the Family Code of the Philippines.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|