malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Agreement: Working time, rest time, shifting schedule

Feb. 18, 2019 (Mon), 1,254 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang next item na dapat nyong check sa inyong Working Agreement (WA) na natanggap mula sa inyong employer bago nyo ito pirmahan ay ang magiging working time ninyo sa kanila. This is very important para malaman mo kung ano yong legal working hours ninyo, at kelan mag-start ang overtime work ninyo.


Para sa mga regular employee at mga contract employee, kadalasan ang nakasulat dito ay ang start and end ng working time nila. Mostly here in Japan is 9AM to 6PM kasama na ang 1 hour break time. Beyond 6PM at nag-work pa kayo, this is considered already as overtime work at iba ang magiging computation ng inyong salary.

Sa mga arubaito naman at part timer worker, mostly dito nagkakaroon ng medyo complicated issue lalo na kung meron shifting na nangyayari. Dapat ninyong clear ito para alam nyo kung kelan magiging isang overtime work ang inyong trabaho kapag lumagpas kayo sa start and end ng work time ninyo.

Sa mga shifting ang schedule, meron mga early shift, late shift and midnight shift. Kapag ganito ang schedule ng work time ninyo, lagi nyong confirm ang start and end ng work time ninyo, upang alam ninyo kung ang naging work nyo sa kanila ay considered na overtime work.

Dapat din ninyong confirm ang magiging rest or break time ninyo. One hour straight ba, or 30 minutes or 15 minutes na putol-putol ba? Make sure na meron ding nakasulat tungkol dito sa contract dahil pag wala, maaaring pagtrabahuin kayo ng tuloy-tuloy at walang pahinga at wala kayong magagawa kapag napirmahan nyo na rin ang contract.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.