malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang gagawin pag-naloko ka dito sa Japan (Part 1: Submitting a Police Report)

Jan. 28, 2017 (Sat), 4,188 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Isa sa mga main reason kung bakit maraming manloloko rin na Pinoy dito sa Japan at madalas na maloko ang mga kababayan natin ay sa alam nilang marami sa atin dito ang hindi alam kung ano ang gagawin kapag sila ay naloko na o nabiktima. Hindi marunong mag Japanese para explain ang nangyari sa kanila sa police, walang perang pambayad sa mga lawyer ay kadalasang reason ng mga naloko, kaya karamihan sa kanila ay wala ring ginagawang legal procedure para mahabol ang naloko sa kanila.


Sa information na ituturo namin dito, magagawa mo ang kaya mong gawin na hindi gagastos ng malaki para mahabol ang naloko sa iyo o makaganti sa mga taong nanloko sa inyo. At ang unang step mong dapat gawin pag naloko ka ay ang mag-apply ng HIGAI TODOKE (Report of Damage or commonly known sa atin sa Pinas na POLICE REPORT), sa mga police station or kouban dito sa Japan.

Ano ba ang HIGAI TODOKE, ito ay isang report mula sa isang nabiktimang mamamayan kung saan naglalaman ito ng detalye kung ano ang nangyaring incident sa kanila. Ito ang magiging pinaka basis ng investigation ng mga pulis na gagawin kung kinakailangan ba talaga. Kaya kung kayo ay naging biktima ng anomang incident or accident dito sa Japan, report nyo agad ang pangyayari sa mga police upang magkaroon ng record ito. Ito rin ang magiging basehan ng kaso ninyong maaaring file laban sa taong nanloko sa inyo. Common sa mga hapon ang kinakausap ang kanilang na-perwisyo na tao at bayaran na lang ito bago makapag-submit ng Police Report at makapag-file ng charge. Madalas na gawin ito ng iba bago makapag file ng charge ang naging biktima na syang ikinakatakot nila.

Ang HIGAI TODOKE form ay available sa mga police station or kouban dito sa Japan. Maaari kayong kumuha nito at isulat ang information na kakailanganin. Kung hindi alam ang pagsulat nito, maaaring magpaturo kayo sa mga police na on-duty at that time. Mostly, they will help you para makagawa nito. Maaari ring gawin nyo muna ang police report na ito in English at pa-translate nyo na lamang. Maaari nyong magamit ang format na aming ginawa na available sa baba ng article na ito bilang inyong reference.

Ang nilalaman ng HIGAI TODOKE ay mostly mga information na kakailanganin sa investigation. Better na isulat nyo muna ang mga details na ito bago pumunta sa police or kouban para mag-report para madaling makagawa ng HIGAI TODOKE. Ito ay ang mga sumusunod.

- Information ng nabiktima (Address, work, name, age)
- Date and time ng incident
- Place and location ng incident
- Nature ng incident
- Nabiktimang pera or items (Item name, quantity, value, characteristics, owner)
- Information ng suspect (Address, name or alias, character, suot na damit, mga palantandaan sa katawan, etc.)
- Other info na makakatulong sa investigation

Kapag meron na kayong HIGAI TODOKE na nagawa at na-submit nyo na sa police or kouban, you can use this document at pwede ninyong ipakita sa taong nanloko sa inyo para ipaalam sa kanila na meron kayong ginagawang legal procedure. At kung hindi nila ibabalik ang mga naloko nila sa inyo o hindi magbayad sa perwisyong nagawa nila sa inyo, itutuloy nyo ang pag file ng charge, at pag sumbong sa Japan Immigration upang ma-hold ang kanilang visa na syang tatalakayin natin sa PART 2 ng usaping ito.

As I said above, need nyong magpasa ng HIGAI TODOKE na ito dahil ang report na ito ang syang kakailanganin ninyo sa susunod na step na gagawin ninyo, at ito ay ang pag-report sa Japan Immigration Office. Kung ang taong nanloko sa inyo ay kababayan din natin o isang foreigner, maaaring mag-report kayo sa Immigration upang ma-hold ang visa ng taong nanloko sa inyo, o para hindi na makapag apply ng extension ang nanloko sa inyo dahil sa nagawa nyang labag sa batas.


HIGAI TODOKE Sample Format (Japanese Version)
HIGAI TODOKE Sample Format (English Version)



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.