malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Penalty sa mga gumagawa o gagawa pa lang ng fake Residence Card

Feb. 07, 2017 (Tue), 2,634 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kapag nakahuli ang mga pulis or immigration personnel ng isang tao dito sa Japan na gumagamit ng fake Residence Card (RC), idadaan daw nila ito sa mahigpit na investigation upang malaman nila kung saan nila nakuha ang fake RC na kanilang ginamit.


As of now, karamihan na lumalabas sa news ay kadalasang ginagawa ito outside Japan subalit meron na ring mga incident na nahuli ang mga pulis na meron gumagawa ng fake RC dito mismo sa Japan. Kapag nahuli ka nila, at nakitaan ka nila ng mga materials, machine at kung ano ano pang need sa pag-gawa ng fake RC, meron ipapataw na penalty sa inyo.

Ayon sa kanilang batas, ang penalty na nakatakda para sa mga violators nito ay PAGKAKULONG NG HINDI LALAGPAS SA TATLONG (3) TAON, OR PAGMULTA NG HALAGANG HINDI LALAGPAS SA 50 LAPAD.

(第73条の5) 在留カードの偽造・変造の為に器械や原料を準備した者は、3年以下の懲役又は50万円以下の罰金に処せられます。

Sa mga case na ito, halos walang mga Pinoy na kababayan natin ang nadadamay o nahuhuli ng mga pulis kung kayat maaaring safe na masasabi. Subalit meron din mga pinoy ang gumagamit ng fake RC kung kayat pag kayo ay nahuli, magiging mahigpit ang gagawin sa inyong investigation ng mga pulis hanggang sa sabihin ninyo ang katotohanan kung saan nyo nakuha ang fake RC.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.