malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Mag-ingat sa mga investment scam na naglalabasan na naman

Nov. 28, 2017 (Tue), 1,171 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Recently, nakakatanggap kami here ng mga inquiry asking for legal support about sa mga investament scam na mukhang naglalabasan na naman at ang target ay ang mga kababayan natin here in Japan so we want to share it here bilang paalala sa mga followers ng MALAGO.


Ayon sa mga nagtatanong sa amin, sila ay nahatak na sumali dahil sa pangakong magiging doble o triple pa ang kanilang naibigay na pera. Ipapadala lamang nila ito sa isang bank account ng isang individual here in Japan, then afterwards ay hindi na nila ma-contact or block na sila sa mga sns account kung saan nila nakilala ito kapag madalas na silang magtanong kung ano na ang status ng investment na pinasok nila.

Hwag sana kayong papadala sa mga ganitong style or strategy ng mga manloloko. Ang mga ganitong style ay walang katotohanan kayat wag agad maaakit sa mga kwento or paliwanag nilang madodoble agad ang inyong perang ipapasok ninyo.

Ang INVESTMENT business ay hindi ganun kadali lalo na dito sa Japan. Ang mga taong nanghihikayat sa inyo ay dapat na meron formal na business permit to do this. Para ma-check ninyo kung totoo ang kanilang mga business proposal na inaalok sa inyo, ito ang mga tips na maaari ninyong gawin.

(1) Check their business permit
Kung talagang investment ang business nila sa inyo at legal ang inaalok nila, check their business permit. They should have a business card kung saan nakalagay ang company information nila. Meron company phone numbers at hindi gumagamit ng mga free email account like YAHOO or GMAIL. Kahit na agent lamang ang kausap ninyo, meron silang mga permit to do business transaction.

(2) Check their bank account
Kung sakaling nahikayat na kayo at magbibigay na kayo ng pera sa kanila, dont deposit your money to any individual bank account. Ang bank account dapat ay bank account ng company na legal at meron business permit. Kung totoo ang mga nag-aalok sa inyo, they will not give you any bank account of a certain individual kahit na agent pa sila. Ang pera ay dapat na direct pumasok sa company at hindi sa kung sinomang individual.

(3) Check their sweet promises
Sa hirap ng buhay sa ngayon, lahat gustong kumita ng madaliang pera kaya marami ang nabibiktima. Ask your self many times, kung kayo ang nasa kalagayan nila na nagsasabing kikita agad or tutubo ang perang nilabas ninyo, hindi kaya tama na hwag ninyong ipaalam sa iba para kayo lamang ang kikita? So, pag-isipan nyo munang mabuti bago maglabas ng pera at baka mawala pa ang perang pinaghirapan na mawawala lang na parang bula.

Ang mga manloloko or scammers sa Pinas ay madaling makapasok na dito sa Japan dahil sa pagluluwang ng immigration. Kahit na tourist visa lang sila, nakakagawa na sila rito ng business transaction and mostly ay panloloko. So mag-iingat ng mabuti at wag maniniwala agad lalo sa mga taong nakilala nyo lamang sa internet or anyn sns account like facebook.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.