malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Steps kung paano makakapasok ang isang 4th Gen dito sa Japan (Proposal)

Jan. 29, 2018 (Mon), 1,963 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Base sa nilabas na data ng Japan Ministry of Justice, ito ang kanilang proposal now kung paaano makakapasok ang isang 4th gen na applicant dito sa Japan. Malaki ang possibility na ito ang magiging final steps kapag walang naging formal na reklamo mula sa public comment na isinasagawa nila sa ngayon.


Ang mga STEPS na ito ang syang magiging guide ng isang applicant at pati na rin ng kanyang guarantor or sponsor upang makapunta dito sa Japan. Ito ang mga steps ayon sa kanila which are translated and simplified.

STEP 1
Ang isang 4th gen ay dapat meron kilalang isang tao, maaaring family, relatives, host family, organization, or employer na syang sasalo sa kanya or pupuntahan dito sa Japan. Mag-uusap sila at magkakaroon dapat ng AGREEMENT bilang kasulatan. Ang guarantor ang syang mananagot sa pagpunta ng isang 4th gen dito sa Japan at syang magpo-provide ng tirahan at ilan pang kinakailangan nito.

STEP 2
Ang guarantor or sponsor ay pupunta sa immigration dito sa Japan upang mag-apply ng COE (Certificate of Eligibility) ng isang 4th gen applicant. Sya ang magpapasa ng mga kinailangang documents para sa COE application na itinakda ng immigration.

STEP 3
After the evaluation of the application, ang Japan Immigration Office ay magbibigay ng COE approval sa guarantor or sponsor na nag-apply nito.

STEP 4
Ang nataggap na COE ng isang guarantor ay ipapadala nya ito sa Pinas sa isang 4th gen applicant na naghihintay nito para sa visa application naman nya.

STEP 5
Dala ang COE na kanyang natanggap mula sa guarantor na nasa Japan, at iba pang supporting documents, pupunta ang 4th gen applicant sa Japanese Embassy para sa kanyang visa application. Maaaring ito ay kanyang apply din sa mga accredited agency lamang sa Pinas.

STEP 6
After the thorough evaluation ng mga documents ng 4th gen applicants, at ito ay approve nila, magbibigay ng VISA ang Japanese Embassy sa 4th gen applicant na syang magiging susi nya sa pagpunta sa Japan.

STEP 7
This is the last step kung saan makakapunta na ang 4th gen applicant sa Japan. Dala ang visa na kanyang natanggap mula sa Japanese Embassy sa Pinas, pwede na syang mag-travel papunta ng Japan. Pagdating sa airport, at matapos ang final screening sa kanya sa airport immigration, bibigyan na sya ng LANDING PERMIT (maaaring 1 year visa) to start living here in Japan sa poder ng kanyang guarantor.

This is a proposal as of this time posted here in MALAGO. The official information will be released by the Immigration after nilang ma-finalized ang implementation rules and guidelines about this visa.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.