malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


3 MONTHS, validity period ng documents na pinapasa sa Immigration

May. 23, 2017 (Tue), 1,059 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga hindi po nakaka-alam, ang mga documents na nakukuha nyo dito sa Japan at pinapasa nyo sa Immigration Office for visa application at kung ano pa ay within 3 MONTHS ang validity na itinatakda nila. Ito ay upang makatiyak ang immigration na ang documents na inyong ipapasa ay bago pati na rin ang mga nakasulat na information dito ay latest update lamang.


Kadalasan sa mga documents na ito ay ang JUUMINHYOU, KOSEKI-TOHON, SHIMINZEI, NOUZEI SYOUMEISYO, etc. at pati na rin ang pictures na pinapasa sa Immigration. Ang ISSUE DATE ng documents na inyong nakuha sa city hall ay kadalasang nakasulat sa ibaba ng documents. Dito malalaman kung ang documents ninyo ay within 3 MONTHS pa rin ba sa validity na kanilang itinakda. Kung alam nyo na sa sarili ninyo na hindi na bago ang inyong documents, mas makakabuti na wag na ninyong ipasa ito at kumuha na lamang ng bago upang hindi kayo maabala sa inyong application sakaling ma-check ito ng mga immigration personnel.

Kung kayo ay kukuha ng mga documents na ito na gagamitin ninyo sa pag-invite ng inyong family here in Japan o kukuha ng FAMILY VISIT VISA, mas makakainam kung ang kukunin nyo ay dalawang copy na kung meron kayong plan na sila ay extend pagdating nila dito upang hindi na ulit kayo pumunta sa city hall upang kumuha ng panibagong documents.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.