Ano ang Unemployment Insurance in Japan? Aug. 09, 2017 (Wed), 7,547 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung kayo ay nagtatrabaho dito sa Japan, bilang regular employee man o hindi, probably, meron binabawas sa inyong salary monthly at ito ay ang 雇用保険 (KOYOU HOKEN) or known in English as Unemployment Insurance. Check your salary slip and look for this KANJI CHARACTER for confirmation kung meron kayong binabayaran o wala.
Tulad ng na-explain na namin dito many times, ang KOYOU HOKEN ay sakop or part ng SYAKAI HOKEN (SOCIAL INSURANCE) na tinatawag dito sa Japan. To say it again, ang SYAKAI HOKEN ay binubuo ng KENKOU HOKEN (Health Insurance), NENKIN (Pension), KOYOU HOKEN (Unemployment Insurance) at KAIGO HOKEN (Nursing Insurance). Ang SYAKAI HOKEN ay hindi isang specific na INSURANCE system kundi ito ay isang general term lamang para sa mga nabanggit na insurance.
So, ano ang KOYOU HOKEN at ano ang purpose nito? Ang KOYOU HOKEN naman ay isang insurance system na ang primary purpose ay para sa kabutihan ng mga trabahador dito sa Japan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng financial support at the time na mawalan sila ng work. Mainly ito ang kadalasang alam lamang ng iba, subalit marami pang ibang purpose at benefits na ibinibigay or maa-avail sa insurance na ito. Ang number one objective nito ay magkaroon ng continuous work ang isang worker in times na un-employ ito, to support their livelihood at ang stability and promotion ng mga trabaho dito sa Japan.
Nagbibigay din ito ng support para makapag-trabaho muli ang isang nawalan ng work, by giving training to learn new things para maging isang daan na makapag-trabahong muli. Meron din itong mga support na binibigay para sa mga workers na pansamantalang hindi makakapag-trabaho dahil sa panganganak, pag-aalaga ng mga bata, pag-aalaga sa mga matatandang parents at maging sa pag-retiro ng isang worker.
So, kung kayo ay isang valid member ng insurance system na ito, nagbabayad ng inyong monhtly contribution, then ito ang pwede ninyong masandalan in times na mawalan kayong work pansamantala man o hindi.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|