malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Magkano lang ang babayaran kapag meron kayong Kaigo Hoken?

Dec. 20, 2017 (Wed), 814 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kayo ay meron KENKOU HOKEN (Health Insurance) dito sa Japan, ang maaaring binabayaran nyo lamang sa mga services na paggagamitan ninyo ng kenkou hoken ay nasa 30% lamang at ang natitirang 70% ay sagot naman ng health insurance system mismo. Malaking tulong ito dahil hindi ninyo buong babayaran ang bill sa inyo.


Sa Kaigo Hoken ay ganun din. Kung kayo ay isang valid member at nabigyan ng rights ng inyong municipality na maka-avail ng nursing care and support, hindi ninyo babayaran ng buo ang maaaring charge sa inyo ng mga nursing care facilities. Sa ngayon, ang normal na binabayaran or sino-shoulder ng isang pasyente ay nasa 10%. Ito ang pinaka common na amount now. Pero sa mga matatandang malaki pa ang kinikita, maaaring umabot sa 20% ang kanilang dapat bayaran.

Malaki ang nagagawa at naitutulong ng Kaigo Hoken na ito dito sa Japan para sa mga matatandang nag-iisa na lamang at nenkin na lamang ang kinabubuhay. Ang 10% na kanilang binabayaran ay isang napakalaking kaluwagan para sa kanila dahil ang natitirang 90% ay sinasagot naman ng kaigo hoken system.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.