malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Walang special pardon sa mga matagal ng overstayer dito sa Japan

Jan. 30, 2017 (Mon), 1,522 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Minsan nakakatanggap kami dito ng mga katanungan kung totoo bang meron special treatment or pardon na binibigay ang Japan Immigration para sa mga matatagal ng overstayer dito sa Japan. Sa mga natatanggap naming tanong, meron daw silang naririnig na kapag mga more than 20 years ka nang overstayer dito, maaaring mabigyan ka na ng visa.


Well, I think hindi po ito totoo dahil walang ganitong klaseng law or regulation ang Japan Immigration. At kahit tanungin nyo pa ang mga Immigration Lawyer dito sa Japan, I think same lang din ang isasagot nila sa inyo na walang pardon or special treatment na binibigay para sa mga matatagal ng overstayer dito sa Japan. Kung meron nagawang illegal, its a common sense lang na dapat harapin ang penalty na nakalaan para sa nagawang bagay na labag sa batas.

Pagkayo ay naging isang overstayer dito sa Japan o saan mang bansa, I think same lang din ang magiging consequences. Wala kang total freedom lalo na pagdating sa mga legal matters. Gusto mo mang mag-asawa, hindi mo maaayos ang dapat ayusin ng mga documents, magka-anak ka man, ganun din ang mangyayari at pati ang magiging partner at anak ninyo ay kailangang magsakripisyo sa dadanasin nyong problema at ito ang malimit naming marinig na reason ng mga matagal ng overstayer dito sa Japan. Ang maiayos nila lahat at ilagay na sa tama at legal.

Magagawa mo lamang na itama ang lahat kung ikaw ay susuko sa Immigration. Pero ang pagsuko ninyo ay hindi nangangahulugan na mawawala na ang violation na inyong ginawa for a long period of time. Maaaring maging fifty-fifty ang chance ninyong ma-deport o makapag-patuloy na manirahan dito sa Japan after na ma-evaluate ng Immigration ang kaso ninyo.

Kung sakaling naging maganda ang inyong record at naging kapaki-pakinabang kayo sa community kung saan kayo nakatira dito sa Japan, walang ibang nilabag na violation, at hindi nadawit sa ibang crime, malaki ang possibility rin na mabigyan kayo ng ZAIRYUU TOKUBETSU KYOKA ng Ministry of Justice upang manatili at legal na manirahan dito sa Japan. Ito siguro ang matatawag ninyong pinaka pardon, at ito lamang ang chance ninyong makapag stay ng tuloy-tuloy dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.