malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Mag-ingat sa mga kumakalat na Online Working Visa Application

Jun. 07, 2017 (Wed), 922 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.




Recently marami kaming natatanggap na mga tanong here about sa mga working visa application online na kumakalat kung saan ang iba ay nagtatanong kung valid ito, at ang iba naman ay nagtatanong kung paano nila mababawi ang kanilang perang naibayad na nila sa isang website na inakala nilang totoo.


Kung kayo ay meron makitang mga website na gumagawa nito or nag-aalok ng ganitong service, mag-ingat kayo at wag na wag kayong magbibigay ng pera kung kayo ay hinihingan ng kabayaran sa service nila. Basically, walang online working visa application na ginagawa ang Japan Immigration or Japanese Embassy sa Pinas. So, kung sinasabi nilang application agad ng visa, magduda na kayo at wag magbibigay ng anomang pera.

Meron bayad ang application nito, pero napakaliit lamang ng halaga. At ang WORKING VISA application ay ginagawa lamang sa Japanese Embassy sa Pinas na dadaan sa mga accredited agency kung saan ninyo dapat ipasa ang mga requirements.

Another thing na dapat ninyong tandaan ay bago kayo makapag-apply ng WORKING VISA, need nyo rin munang magkaroon ng COE(Certificate Of Eligibility) na dapat kunin sa Japan Immigration Office ng magiging employer ninyo na syang nag-hire sa inyo.

Then, kung meron na kayong nakitang employer here in Japan, at isa kayong direct hire na OFW, need nyo ring makuha ang WORK AGREEMENT mula sa employer ninyo na ipapa-authenticate nyo pa dapat sa POLO Tokyo office, then sa POEA para sa application ng inyong OEC (Overseas Employment Certificate).

As you see, hindi ganun kadali ang pagkuha ng working visa here in Japan dahil maraming dadaanan munang proseso bago ka talaga makapag-apply ng working visa. Pero sa dami ng gustong mag-apply at makapag-work here na kababayan natin sa Japan, sinasamantala ito ng ilang mga company or individual kung kayat madali kayong maloloko kung hindi kayo mag-iingat. Always BE WISE po mga kababayan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.