Working Agreement: Monthly Salary Vs. Annual Salary Mar. 09, 2019 (Sat), 2,537 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Dito sa Japan, meron two types ng salary system silang pinaiiral para sa mga regular employee, at ito ay ang 年俸制 (NENPOUSEI) Annual Salary System at 月俸制 (GEPPOUSEI) or 月給制 (GEKKYUUSEI) Monthly Salary System. Kung kayo ay magtatrabaho dito sa Japan bilang isang regular employee, kailangan malaman ninyo ang pagkakaiba nito bago kayo pumirma sa Working Agreement na binigay sa inyo, kung monthly salary base ba or annual salary base ba ang offer nila sa inyo.
Una, kapag sinabing NENPOUSEI ang magiging salary base ninyo, it means na pumapayag kayo sa amount na sahod for 1 whole year. Malugi or kumita man ang inyong employer, hindi mababago ang inyong magiging sahod for 1 whole year.
Subalit ang sahod ninyo na ito ay hindi nila babayaran sa inyo ng isang bagsakan lamang. Hahatiin nila ito in 12 months or more. Halimabawa, ang magiging sahod nyo annually ay 600 lapad, they will divide it by 12, so ang magiging sahod nyo monthly ay 50 lapad as an example.
Mostly ang mga manager or above level na position ay ganito ang system ng pasahod ng mga company. Kaya kung ang inyong asawa ay ganito ang position sa company, maaaring makita ninyo na hindi ito tumatanggap ng bonus. Pero ang truth ay yong bonus na dapat nyang tanggapin ay kasama na sa sahod na tinatanggap nya monthly. Meron ibang company na hinahati ito in 16 months, para maipakitang meron bonus na binibigay din.
Ang malaking merit ng annual salary base na pasahod ay kapag nalulugi ang company na pinagtatrabhuan ninyo dahil hindi kayo maaapektuhan. Matatanggap nyo ang inyong salary in one year na hindi mababawasan unlike sa mga monthly base na pasahod na meron risk na ibaba ang sahod nila.
About sa overtime ng mga annual salary base na employee, mostly meron mga condition ang mga company dito. Like babayaran lamang nila ang overtime ng isang employee kapag lumagpas ng 50 hours a month.
Sa GEKKYUUSEI naman or monthly base salary na tinatawag na common system para sa mga common employee, yong salary ninyo ay magiging monthly ang basehan, at ang merit nito ay kapag kumikita ang isang company or employer ninyo, maaaring itaas nila pati na rin ang matatanggap ninyong bonus. Kaya lang pagnalulugi naman, maaaring bawasan nila ang sahod ninyo at wala kayong magagawa about it.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|