malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Penalty sa mga Illegal Entry, at gumagamit ng fake Identity

Jan. 31, 2017 (Tue), 1,898 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga nakapasok naman dito sa Japan ng illegal sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga fake identity, o pag gamit ng mga passport na peke, o nakapasok sa Japan ng hindi dumaan sa immigration sa pamamagitan ng pag-smuggle nila sa kanilang sarili, meron ding nakalaang penalty ang Japanese government sa ganitong klaseng violation.


In Japanese, ito ang nakasulat na penalty ayon sa law nila. 「不法入国の罰則は「3年以下の懲役若しくは禁錮若しくは300万円以下の罰金、又は懲役若しくは禁錮と罰金の併科」です。」

Ang penalty para sa ganitong violation ay pagkakulong ng hindi lalagpas ng 3 YEARS, o pagbayad ng multang pera na hindi lalagpas sa 300 lapad, o parehong ipapataw ang pagkakulong at pagbayad ng multang pera ayon sa magiging hatol ng Ministry of Justice.

Sa mga merong ginamit na fake identity before, o gumagamit ngayon ng name na hindi sa kanila, ang record ninyo ay hindi malilinis at hindi mawawala as long na hindi nyo ito iri-report o isusuko sa Immigration. Kung willing kayong isuko ang ginamit ninyong name, you have to report it voluntarily bago pa nila kayo maunahan na malaman dahil magiging mabigat na kaso po ito para sa inyo.

Sa mga papasok ulit ng Japan na gamit ang kanilang real name subalit meron ginamit na name din before, mas better din na sabihin nyo na agad sa Japanese Embassy ang tungkol sa ginamit ninyong name para maayos nyo ang record nyo before. Sa Visa Application Form, meron area don kung saan tinatanong nila kung meron kang ibang name na ginamit dati. Pwede ninyong isulat ang information na ito doon sa section na nakalaan. Kapag di nyo ginawa ito at nabisto or na-trace ng Japan Immigration, baka ma A to A kayo pag dating nyo dito ng Japan tulad ng nangyayari sa iba at mas lalong magiging mahirap para sa inyo na pumasok muli ng Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.