Mga pagbabagong nangyari sa mga taxes here in Japan for 2017 Dec. 31, 2017 (Sun), 944 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung nagbabasa kayo lagi ng mga news here in MALAGO, I think updated kayo sa mga pagbabagong ginagawa ng Japanese government hindi lamang sa immigration kundi sa mga bagong laws and taxation nila.
For this year 2017, maraming mga lumabas na bagong tax laws at ang iba sa kanila ay naitakda na ang implementation. Bilang summary, amin itong inipon muli upang maging aware kayo sa mga ito bago pumasok ang year 2018. Ang ilan sa mga ito ay mga bagong taxes at ang iba naman ay mga TAX INCREASE lamang.
Kung aware kayo, for next year 2018, hindi pa ninyo siguro mararamdaman ang epekto nito dahil ang karamihan sa mga ito ay year 2019 ang implementation. For year 2019, ang malaking magiging epekto sa pamumuhay natin dito sa Japan ay ang pag-start ng 10% consumption tax na ilang beses na ring na-delay ang implementation. Sinasabi ng maraming mambabatas na hindi na ito mai-extend, kung kayat maging handa na dapat tayo dito.
Ang Departure Tax at ang Forest Tax ay mga bagong tax na naisabatas ngayong taong 2017 at naitakda na rin kung kelan ang start ng implementation nito. Ang CHILD TAX or KODOMOZEI na tinatawag nila ay naging mainit na issue din ngayong taon dahil meron mga mambabatas na nagatataguyod na mapa-implement ito upang maging tulong sa pagbaba ng population ng Japan. Kung ito ay maisasabatas at kung kelan mag-uumpisa ay wala pang nakaka-alam.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|