malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Type 1 Visa application procedure, inilabas na ng Immigration

Mar. 18, 2019 (Mon), 6,258 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito, inilabas na ng Japanese government noong March 15 (Friday) ang magiging visa application procedure para sa Type 1 Visa for blue collar job na uumpisahan nila this coming April 1.


Ayon sa information, ang bagong TYPE 1 visa na ito ay pwedeng ma-apply ng mga bagong papasok sa Japan na mga workers, at pwede rin ma-apply dito mismo sa Japan ng mga nandito na sa Japan na mga trainee at student visa holder, or mga foreigner holding a long term visa.

Kung kayo ay nandito na sa Japan at trainee kayo, you can apply fo this new type of visa starting April 1 kung gusto ninyo at meron company or employer willing to hire you. Kung na complete nyo na ang training program ninyo or tinatawag nilang 技能実習2号, exempted na kayo sa skill test at Japanese language examination.

Need nyo lamang na mag-attend sa gagawing orientation, at counselling ng tatanggap sa inyong agency or company, and also conduct medical exmination. Then apply na ng CHANGE OF VISA STATUS sa immigration office na malapit sa lugar ninyo and you need to apply it personally. Kung aprobahan na ng immigration ang visa application ninyo, you can start working here legally under new visa.

Sa mga student visa holder naman or ryuugakusei na nandito sa Japan, you can also apply at almost the same din po ang procedure. need nyo lamang na pumasa sa gagawing skill test at Japanese language examination.

Sa mga ex-trainee naman na wala dito sa Japan, exempted na rin kayo sa skill test at Japanese language examination na dapat ipasa kung natapos nyo na rin ang 技能実習2号 sa training na ginawa ninyo here in Japan before. For visa application, hintayin nyo kung ano ang ilalabas na memorandum ng anomang ahensya na syang mamamahala sa Pinas tungkol dito.

Sa mga hindi trainee, at nais mag-work dito sa Japan, kailangan nyong ipasa ang skill test at Japanese language examination na gagawin ng ahensya sa Pinas upang makapag apply ng bagong visa na ito. Then maging ang medical examination ay dapat nyo rin maipasa.

Para sa detalye, maaaring mag inquire kayo sa immigration office directly.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.