malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Documents to process for Spouse/Kids to start living in Japan

Jan. 26, 2019 (Sat), 4,523 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung naging matagumpay kayong mapapunta nyo ang inyong asawa at mga anak dito sa Japan upang makasama nyong mamuhay dito habang kayo ay nagtatrabaho bilang isang Working Visa (WV) holder, meron pa kayong dapat gawin upang sila ay ganap na makapag-start ng pamumuhay dito ng wala kayong alalahanin.


Ang case na ito ay hindi lamang sa mga WV holder, kundi maging sa ibang type ng visa like Permanent Visa, Intra-Company Visa, Long Term Visa at iba pa, kung napapunta ninyo ang inyong asawa dito at mga anak at nabigyan nyo sila ng FAMILY STAY VISA, ang mga sumusunod na step ay dapat nyo ring gawin.

Need ninyong gawin ito upang ma-secure nyo rin ang mga nararapat na mga benefit na dapat nilang makuha bilang inyong dependent.

1. RESIDENCE CARD Application
Sa pagpasok ng Japan ng inyong asawa o anak, ang kanilang hawak na FAMILY STAY VISA ay consider na LONG TERM visa, so mabibigyan sila ng RESIDENCE CARD, at dito nakalagay ang status ng kanilang visa habang nandito sa Japan. Mahalagang document ito na dapat na hindi ninyo mawala.

2. RESIDENCY REGISTRATION (JUUMINHYOU)
Bilang dependent ninyo, ang inyong asawa at anak ay dapat ninyong maipa-register sa city hall kung saan kayo nakatira dito sa Japan. Kailangang maipasok nyo sila sa inyong Juuminhyou at kayo ang magiging HOUSEHOLDER or HEAD OF THE FAMILY. Sa pagpapa-register nyo sa kanila sa city hall, magiging ganap silang resident ng lugar kung saan kayo nakatala, at makakakuha na kayo ng mga benefit na nararapat sa inyo.

3. SYAKAI HOKEN (HEALTH INSURANCE & PENSION) Subscription
Ito ang syang pinakamahalagang application na dapat nyong gawin sa pagdating ng inyong asawa at anak dito sa Japan upang maging magaan sa inyo ang magiging medical expenses nila in case na magkasakit. Gamit ang Juuminhyou na nakuha ninyo sa city hall at Residence Certificate, maaaring ipa-register nyo sila sa company or employer where you are working upang maipasok nyo sila sa inyong health insurance bilang inyong dependent. Bibigyan sila ng kani-kanilang HEALTH INSURANCE CARD na syangipapakita nyo once na pumunta kayo sa mga hospital.

4. CHILD CARE ALLOWANCE for your kids
Ang step na ito ay maaaring gawin after ninyong maipasok sila sa Juuminhyou ninyo. Kung meron kayong anak na minor age pa, eligible sila na tumanggap ng benefit na ito na more than 10,000 YEN monthly depende sa age nila. Ang benefit na ito ay sinasabing umaabot sa 200 lapad kung sisimulang tanggapin ito ng isang bata na dito isinilang sa Japan hanggang sa matapos ang eligibility nya sa pagtanggap ng benefit na ito. Need nyo lamang na apply din ito sa city hall.

5. MEDICAL EXPENSES SUPPORT SYSTEM Application
Ang system na ito ay malaking tulong lalo na sa mga bata kapag sila ay magkakasakit. Need nyong apply din sila nito upang makatulong sa inyo in case na magkaroon ng sakit ang inyong anak. Part ng babayaran ninyo sa medical expenses ay sasagutin ng city hall.

6. SCHOOL ENROLLMENT
Kung ang inyong anak ay nasa wastong age na upang mag-aral, then mag-inquire din kayo sa city hall kung saang school na malapit sa lugar ninyo pwede ninyong maipasok ang inyong anak. Bibigyan nila kayo ng information about it na makakatulong sa inyo sa pag-decide ng education plan ninyo sa inyong anak habang sila ay kasama ninyong namumuhay dito sa Japan.

Thats it. Kung ma-secure nyo ang mga nabanggit na mga documents above, medyo relax na kayo sa pamumuhay ng inyong asawa at anak dito sa Japan dahil nagawa nyo na ang dapat na gawin.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.