malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


NENKIN BENEFIT 5: Widow Pension

Oct. 17, 2017 (Tue), 1,527 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang benefit naman na ito ay para sa mga asawa ng member ng NENKIN categorized as FIRST DIVISION INSURED MEMBERS na kadalasang nagbabayad sa KOKUMIN NENKIN directly at hindi sa KOUSEI NENKIN sa company kung sakaling mamatay ang member at maging widow ang naiwang asawa. Ang mga member nito ay mga farmers, mangingisda, mga arubaito, freelancer, student at pati mga single parents.


Known in Japanese as 寡婦年金 (KAFU NENKIN) or Widow Pension, ay maaaring matanggap ng naiwang asawa na naging byuda. Ang condition sa pagtanggap nito ay dapat nakapag contribute ng more than 10 YEARS ang namatay na member na asawa, at bago mamatay ang member, kinakailangang nag-sama ang mag-asawa ng more than 10 YEARS at namumuhay also bilang mag-asawa. Kailangan din na walang history na nakatanggap ang namatay na member ng retirement pension or disability pension.

Sa byudang asawa naman na tatanggap ng widow pension, dapat ang age nya ay below 65 years old. Walang possibility o hindi tumatanggap ng IZOKU NENKIN. Ang pension na ito ay maaaring matanggap ng asawa mula age 60 to 65 years old at ang amount ay nasa almost 75% ng retirement pension na dapat matatanggap ng namatay na asawa.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.